Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, masayang maging bahagi ng pelikulang Miracle in Cell No. 7

HAPPY si Andrea del Rosario na maging bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival entry ni Aga Muhlach na pinamagatang Miracle in Cell No. 7, remake ito ng award-winning South Korean box office hit.

Ayon sa aktres, hindi man kalakihan ang role niya sa pelikulang ito, kakaibang excitement pa rin ang feeling na bahagi siya ng entry sa naturang annual Christmas filmfest na inaabangan ng maraming Pinoy. Esplika ni Andrea, “My role po is the mother of the child na napagkamalan na ni-rape ni Aga. Parang cameo… just have a big scene in the court kung saan I cried while isinasalaysay niya yung nangyari.”

Saad pa ng aktres, “Super exciting, siyempre dahil handful lang naman kaming artista na napapasama, so kahit na parang cameo yung role ko, I was very happy to be included.

“Yes, I’ll join sa parade of stars, also a presentor in the awards night po,” aniya pa.

Parang naisip niya ba ang anak na si Bea, nang ginagawa nila yung eksena? “Well Syempre I am a mother in real life… so was just imagining of that ever happened to me… Super-sakit, kahit na acting lang iyon.”

Ano ang masasabi niya kay Aga, bilang co-actor dito? “I worked with Aga in a movie before with Angelu de Leon, he is an amazing actor. Since he is veteran actor, has a lot of wisdom, makikita mo iyon sa screen and also when he interacts with his co-actors.”

Ano ang reaction niya nang napanood ang movie? “I have not seen the movie yet, but I know it’s going to be one of the best if not, the best movie of the year! Naks, bias! Kidding aside, it’s for the whole family… and all in one-drama, suspense, comedy, etcetera,” nakangiting wika pa ni Ms. Andrea.

Mula sa pamamahala ni Direk Nuel Naval, tampok din sa pelikulang Miracle in Cell No. 7 sina Joel Torre, John Arcilla, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, Tirso Cruz III, Xia Vigor, at Bela Padilla.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …