Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, ‘di makadadalo sa Parade of Stars ng MMFF 2019?

NAKALULUNGKOT naman kung totoo ang narinig namin na baka hindi masipot ni Coco Martin ang taunang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2019 sa Linggo. Si Coco ang bida sa pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kasama sina Ai Ai delas Alas, Jennylyn Mercado, at Sam Milby.

Ang sinasabing dahilan, ang first shooting day ni Coco ng isang bagong movie na sisimulan sa Star Cinema.

Sa loob ng maraming taon, isa si Coco sa prominenteng personalidad sa taunang Parada ng mga Bituin. Inaabangan ang float ng pelikula niya. Tiyak na marami ang malulungkot na hindi nila masilayan ang Idol Ng Masa ngayong taon sa parada.

Sana’y magawan ng paraan ni Coco na maipaalam sa production para payagan siya na mailipat sa ibang araw ang first shooting day. Iba pa rin kasi kapag present si Coco na isa sa pinakamalaking crowd drawer tuwing MMFF Parade of Stars. (MVN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …