Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic Sotto, never nangialam sa personal na buhay ni Maine

NILINAW ni Vic Sotto na hindi niya pinakikialaman ang personal na buhay ni Maine Mendoza kahit close sila o madalas silang magkasama sa trabaho. Bukod sa kanilang Daddy’s Gurl sa GMA 7, magkasama rin sila sa entry ng APT Entertainment Inc., sa Metro Manila Film Festival 2019, ang Mission Unstapabol: The Don Identity.

Giit ni Vic, trabaho lang sila ni Maine at walang personalan. “Basta kami ni Maine, trabaho lang, walang pesonalan. Kasi hindi ko ugali ang nangingialam sa personal na may personal.

“Ang sa amin, trabaho, maganda ang pakisamahan namin kasi naniniwala akong magaling siyang aktres at masarap siyang kausap. Masarap siyang kasama, she’s very professional, pero pagdating sa personal na buhay, eh, bahala kayo sa buhay niyo.”

Hindi rin naman kasi nag-o-open si Maine ng ukol sa kanyang personal na buhay.

“Hindi kasi ako ‘yung tipong nagbibigay ng kung ano-anong advise. Siguro kapag minsan napag-uusapan ang buhay-buhay ganoon lang.”

Samantala, masaya si Vic na kasama sa MMFF ang kanilang entry dahil isa ang festival sa nakapag-papakompleto ng kanyang Pasko.

“Kompleto ang Christmas kapag may filmfest. At ngayong Pasko,  siyempre sama-sama kami, lagi namang ganoon eh. Sa mga Filipino, importante ang pamilya eh. So first things first, family at kasama ko ang aking mga anak, ang aking misis, mga kapatid, usually nagsasama-sama kami,” sambit pa ni Vic.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …