Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jose Manalo, nahirapan sa pagiging kontrabida ni Vic

SA kabilang banda, bago ang pagiging kontrabida ni Jose Manalo sa pelikula ni Vic Sotto, pero hindi iyon kinuwestiyon ng komedyante.

Ani Jose, “Hindi ko kinuwestiyon. Kasi kagaya ng sinabi ni Direk Mike (Tuviera), gusto ko ring maiba, maiba ‘yung atake, maiba ‘yung karakter.”

Aminado si Jose na malaking challenge ang pag-iiba niya ng karakter sa Pamaskong handog na pelikula nila ngayong taon.

Malaking challenge iyong nangyari. Nasanay ako na laging katabi ni Bossing, laging may routine. This time kasi kapag kaharap ko siya, hindi ko alam kung anong adjustment ang gagawin ko, ganoon din naman si Direk Mike. Hindi niya pinakakawalan ang character doon, at alam niyang lumalabas din naman doon sa character naming iyon ang pagpapatawa namin, hino-hold niya iyon.

“Malaking challenge para sa akin na, ‘ano ba iyong gagawin ko? Ano ba ang reaction ng mukha ko?’ Nasanay ako na laging nakangiti. Nasanay ako na kapag nagtinginan kami ni Bossing may punchline kami. Ngayon hindi eh, kapag kaharap ko siya, iniisip ko paano ko siya mabubwisit? Paano ko siya kokontrahin.

“Mahirap, mahirap talaga. Pinag-aralan ko talaga ngayon na rati naman hindi ko ginagawa. Kinakausap ko ang sarili ko salamin, tinitingnan ko ang reaction ko. Maganda rin ang ibinigay sa akin na character kasi naiba lahat,” giit pa ni Jose na ginagampanan ang karakter ni Benjamin Fortun, isang manlilinlang at kapatid ng karakter ni Vic na si Don Robert.

Aminado rin si Jose na natuwa at kinabahan siya sa bagong role na ibinigay sa kanya sa pelikula. “Baka kasi hindi ko magawa kasi si Bossing (bida) tapos ako ang kontrabida. Teka muna, kakayanin ko ba ito? Sana nagawa ko naman ng maayos.”

Biglang singit ni Vic, “Masasabi ko naman after watching the finished product, nakapag-deliver naman si Jose, effective siya. Kasi noong pinanonood ko siya nabwisit ako sa kanya, kapag nakikita ko siya naaalibadbaran ako.

“Effective siya, maging kontrabida, mahirap iyon a. Pero sa guidance ng aming direktor na si Mike, maayos naman,” pagpuri pa ni Vic kay Jose.

Mapapanood ang Mission Unstapabol: The Don Identity simula Disyembre 25.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …