Thursday , December 26 2024

Billy James sa Esetgo — pagtulong sa kapwa ang hangad namin

 “MAKATULONG sa kapwa Filipino.” Ito ang iginiit ni Billy James Cash, part owner ng bagong motorcycle-ride hailing service, ang Esetgo ukol sa tunay na layunin ng kanilang services industry na inilunsad kamakailan.

Si Billy James ay dating napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kapatid ni Mark Abaya at siya ring may-ari ng Billy James Fitness Center ay isa rin sa owner ng Pilipinas Esetgo Corporation.

Aniya, “‘Yung Esetgo ay isang public service para makatulong sa mga kapwa Filipino. Iyon ang tanging hangarin namin, ang makapagbigay pa ng trabaho sa bawat Filipino.”

Ayon naman sa CEO ng Esetgo na si John Alexis Revilla, nais nilang makatulong sa ekonomiya ng bansa. At itong motorcycle-ride hailing ay isa sa paraan ng kanilang grupo.

Iginiit ni Billy na hindi nila itinayo ang Esetgo para kalabanin ang Angkas.

“Ang advocacy ng bawat isang partner ng Esetgo ay ang makatulong. Hindi naman kami nag-consider na dahil may kakompitensiya kami o dahil kay Angkas. Kundi naisip namin ‘yung kung paano mapadadali ang transportation and then magbigay ng mas maraming benepisyo at disiplina sa bawat riders at drivers.”

Wala raw ipinagkaiba pagdating sa presyo ng pamasahe ang Esetgo sa Angkas. “Mas marami lang tayong ibinigay na benepisyo sa drivers at sa riders, tulad ‘yung insurance,” paglilinaw ni Billy.

Paano nga ba na-involve ang isang artistang tulad ni Billy sa ganitong negosyo?  “Eversince naman we have established ‘yung pagtulong. May mga natutulungan akong 40 fighters. Ang lagi ko kasing mindset ay kung paano makatutulong, makapagbibigay trabaho sa mga kapwa ko. Kung ano ang mapapaganda na mai-share natin sa kapwa Filipino kaysa gumawa ng kung ano-anong isyu o istorya.”

Sinabi pa ni Billy na, “Bakit hindi na lang tayo gumawa ng magandang pangkabuhayan para sa mga Filipino.”

Iginiit pa ni Billy na, “Actually hindi lang naman ito sa pagiging artista kaya ko ginagawa ito, kundi para sa lahat. Artista ka man, simpleng negosyante ka, estudyante ka, pareho lang. Dito sa Esetgo may advantage ang pagiging senior citizen kasi may libreng sakay.”

Aminado si Billy na dumaan sila sa butas ng karayom bago nabuo ang konsepto at bago natapos ang mga papers na kailangan. “Yung concept nito medyo may katagalan na siyempre hindi naman ganooon kadali na maglabas ng ganitong magandang layunin. Siyempre may timing.

“Kailangan sumasang-ayon ang lahat ng partners at nang makita namin na perpekto na ang produkto, na makabubuti sa bawat Filipino, na magiging maganda ang resulta, naisip namin na i-go na.

“Medyo natagalan din kami sa papers kasi lahat ng proseso pinagdaanan namin, mula sa number one step up to the last talaga, dumaan kami. Walang palakasan, kundi pumila talaga, naghintay, walang special.

“Kaya nagpapasalamat kami roon sa hirap na napagdaanan namin, sa bawat requirements, pagsubok, kailangang isumite namin o puntahang ahensiya, talagang tinrabaho namin para matapos para wala rin silang masabi sa amin,” paglilinaw ni Billy.

Baga­mat marami ang hindi sang-ayon sa pagsakay sa motorsiklo, tiniyak ni Billy na ang kaligtasan ang unang iniisip ng kanilang korporasyon.

“Siguro ‘yung magandang hangarin dito eh, hindi para baguhin ang kung anong mayroon na, kundi para makatulong talaga.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *