Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miracle ni Aga, gustong i-remake ng original korean director at producer

SOBRA ang katuwaan ng mga orihinal na director at producer ng Miracle in Cell No. 7 na sina Lee Hwan-kyung (director) at Kim Min-ki, (producer) nang mapanood nila noong premiere night ang Filipino adaptation ng pelikulang Miracle In Cell No 7 na pinagbibidahan ni Aga Muhlach handog ng Viva Films at entry nila sa 2019 Metro Manila Film Festival.  

At ayon sa obserbasyon ng dalawa, sinabi nilang nagawa ni Aga na imbes i-emphasize ang sariling acting, nag-giveway ito sa mga kasamahang actor na sina Joel Torre, Jojit Lorenzo, Mon Confiado, JC Santos, Soliman Cruz, at John Arcilla na magkaroon ng maayos na collaboration. “Ito ang kaibahan ng Filipino adaptaion sa movie naming,” sambit ni Lee Kwan Kyung.

Sinabi pa kapwa ng mga Koreano na bumilib sila sa ending ng Miracle…ni Aga. Anang interpreter ng mga Koreano, “Nakita nila ‘yung ending ng movie, sa original wala  ‘yun, napaisip sila na sana sa Korean version, sana inilagay ang ending part dahil nakatutuwang panoorin.”

Napansin din nina Lee Hwan-kyung at Kim Min-ki na ‘yung audience habang nanonood mas napapatawa, mas napapaluha kaysa Korean audience. “So, nasabi nilang mas emotional, mas sentimental ang naging execute na Filipino movie,” anang interpreter.

At dahil sobrang natuwa ang original director at producer sa Filipino adaptation, gusto tuloy nilang i-remake sa Korea. “Sana lang daw huwag masyadong mataas ang presyo.”

Inamin din ng produ at director na napaiyak sila sa Pinoy version ng kanilang pelikula kahit 1,000 times na nilang napanood at alam na nila ang kuwento.

Ang  Miracle in Cell No. 7 ay idinirehe ni Nuel C. Naval.

Sa kabilang banda, tinitingala kapwa sina Lee Hwan-kyung at Kim Min-ki sa larangan ng pelikula dahil sa paggawa ng highest grossing Korean film noong 2013.

Bukod ditto, si direk Lee Hwan-kyung ay isa ring manunulat ng pelikula na nagtapos sa Seoul Institute of the Arts, isang premyadong paaralan sa South Korea.  Dalawang taon pagkatapos ng kanyang unang pelikula (He Was Cool), pinarangalan siya bilang Best New Director para sa pelikulang  Lump Sugar sa 2006 Chunsa Film Art Awards. Noong 2013, napanalunan niya ang Best Screenplay sa Grand Bell Awards para sa  Miracle in Cell No. 7. Nakakuha rin siya  ng nominasyon bilang Best Director para sa pelikulang ito.

Sinasabing nabuo niya ang Miracle in Cell No. 7 sa limitadong budget, gayunman ito ay isa sa mga pelikulang kumita ng malaki sa takilya, na may 12.32 million viewers sa South Korea pa lamang. Sa ngayon, ginagawa ni Lee Hwan-kyung ang pelikulang Next Door Neighbor.

Si Kim Min-ki ay nagtapos ng Masters Degree in Film Planning sa France.  Matapos ang ilang taong paggawa ng commercial films, itinatag niya ang FineWorks noong 2004.  Ang entertainment company na ito ay dalubhasa sa paggawa ng feature films at television series, na karamihan ay horror, family and romantic-comedy genre.  Noong 2011, siya ang nag-produce ng The Champ, ang ikatlong pelikula ni Lee Hwan-kyung.  Ito ang kanilang unang kolaborasyon.  Matapos ang dalawang taon, gumawa nga sila ng kasaysayan dahil sa tagumpay ng Miracle in Cell No. 7 na pinagbidahan ni Ryu Seung-ryong. 

Samantala, nagpahatid din ng suporta si Ryu Seung-ryong sa lahat ng bumubuo ng Miracle in Cell No. 7 ng Pilipinas. Sa video message na mapapanood sa official Facebook page ng Viva Films, sinabi ng aktor, “I will be cheering for it from afar, from Korea”.  Dagdag pa niya, “We hope this movie will bring much comfort and laughter to the Philippine viewers.”

‘Wag palalampasin ang Miracle in Cell No. 7 sa mga sinehan sa buong bansa simula December 25, 2019.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …