Kung ang ibang live programs sa television ay pre-taped tuwing unang araw ng taon. Ang Eat Bulaga sa ilang dekada nilang paghahatid ng tuwa, saya at papremyo sa kanilang avid Dabarkads viewers sa buong bansa ay naging panata na nilang mag-live tuwing January 1.
Ito ang paniniwala ng EB Dabarkads kaya kita n’yo naman hanggang ngayon ay nanatiling matatag ang pangtanghaling programa na walang sawang nagmamahal sa dabarkads. Siyempre special ang pagtatanghal nila sa kanilang new year presentation kaya tutok tayong lahat sa iba’t iba nilang segments, na hindi lang saya ang hatid kundi nagbibigay rin ng araw tulad ng segment na “Bawal Judgmental” at nagbibigay pag-asa sa lahat na puwedeng mabago ang kapalaran sa Juan For All, All For Juan Barangay APT.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma