Friday , December 27 2024

Sa kritiko ng SEAG: Stop the bitterness

KABAYAN tapos na po ang matagumpay na hosting ng ating bansa sa pinakamalaking Southeast Asian Games (SEAG) sa kasaysayan ng naturang palaro. Ngunit tila hindi pa rin tumitigil ang detractors sa pamumuna lalo sa organizers.

Ano ba namang klaseng pag-iisip mayroon ang iba nating kababayan na gusto pa nilang babuyin ang napakagandang ipinakita ng Filipinas na itinanghal na overall champion dahil sa 149 gintong medalya na sinungkit ng ating mga manlalaro. Maski nga ang Malacañang ay puring-puri ang naganap sa SEA Games.

Kaya naman hindi na nakatiis si Cynthia Carreon Norton, ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines at nanawagan sa lahat ng ating mga kababayan na maging masaya sa resulta ng SEA Games.

Ang sabi niya, ibaon na lang sa limot ang mga puna ng detractors at sa halip ay ipagdiwang ang tagumpay ng ating mga atletang Filipino at coaches.

Ikinuwento rin ni Cynthia na normal lang na nangyayari ang ‘glitches’ sa kahit na anong international event at hindi ito dapat palakihin at pasabugin gaya ng ginawa at patuloy na ginagawa ng ilan sa ating mga kababayan. Ang sabi nga niya, minsan ay naghintay sila nang tatlong oras sa airport sa ibang bansa para sumabak sa isang sports events ngunit hindi sila nagreklamo at nagsalita ng masama laban sa host country.

Si Cynthia ay kasapi rin ng SPIA na nagparangal ng Special Excellence Award sa PHISGOC at sa pinuno nitong si Speaker Alan Cayetano sa maayos na pagho-host ng SEA Games. Ayon kay Norton, very credible ang SPIA at naging isa siya sa judges nito sa magkakasunod na apat na taon maliban ngayong taon dahil naging abala siya sa pagsasanay sa gold medalist at gymnast na si Carlos Yulo.

Aniya mahirap ang proseso ng judging sa SPIA dahil napaka-estrikto nito at hindi nila kailanman ibinigay sa kanya ang nomination ng Filipinas dahil siya ay isang Pinay. 

Binigyang diin ni Norton na sobrang ginanahan na magpakitang gilas ang mga atletang Pinoy dahil sa sobra-sobrang suportang ibinigay ng pamahalaang Duterte pati ni PHISGOC President Alan Cayetano, POC President Bambol Tolentino, PSC Chairman Butch Ramirez at iba pang sports officials ng bansa.

Kung tutuusin gaya ng sinabi ni Cynthia hindi madali ang paghahanda sa 30th SEAG dahil pabago-bago ang pinuno ng POC  at hindi naman talaga iho-host ito ng Filipinas kung hindi sa pakiusap ni Sen. Bong Go at Speaker Cayetano sa pangulong Digong.

Kaya please, tama na ang mga pagpuna. Hayaan nating umusad ang mga imbestigasyon para malaman ang katotohanan. As of now, tayo ay mag-concentrate sa ating pagbi-bid sa 2030 Asian Games.

Tuloy lang ang laban para sa Filipinas!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *