Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joaquin Domagoso, pang-matinee idol ang porma

IBA ang dating ng newbie actor na si Joaquin Domagoso. Bukod sa malakas ang charisma sa masa, guwa­pito ang tisoy na anak ni Manila Mayor Isko Moreno.

First time namin napa­nood ang baby ni Daddy Wowie Roxas na si JD (tawag kay Joaquin) sa benefit concert na Can’t Stop The Feeling last Dec. 6 sa Music Museum na pinamahalaan at tinampukan ni katotong Ambet Nabus. Ang proceeds ng show ay para sa mga batang kinakalinga ng Bahay Aruga Foundation. Congrats kay Ambet and company sa matagumpay na benefit concert na ito.

Anyway, isa ang 18 year old na si JD sa nag-perform dito at may ibubuga siya sa pagkanta at sa pagsasayaw. Balita namin ay isang contract artist ng GMA-7 si Joaquin, at umaasa kami na very soon ay mapa­panood na rin namin siya sa Kapuso Net­work.

Bukod kina Joaquin at Ambet, ang iba pang nagtanghal sa nasabing benefit concert ay sina Marion Aunor, Cool Cat Ash, LA Santos, Liezel Garcia, Miles Ocampo, Lexi Gonzales, Atak Araña, Jayson Gainza, Atty. Bruce Rivera na alaga rin pala ni Daddy Wowie.

As usual, nagpakita ng galing dito sina Marion at LA, pero iba ang aliw na hatid nina Atak at ng bunsong anak ni Ms. Maribel Aunor na si Ashley. Kaaliw kasi si Atak at alive na alive naman kung mag-perform si Ashley.

Congrats ulit kay Ambet at sa lahat ng bumubuo ng benefit concert na ito na yearly pala nilang ginagawa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …