Wednesday , February 18 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Silab (Apoy sa Tagong Paraiso) ni Direk Reyno Oposa mabilis na natapos

Mabilis gumawa ng pelikula si Direk Reyno Oposa lalo’t nasa puso niya ang filmmaking at pagmamahal sa industriya.

Yes sa loob lang ng dalawang araw ay natapos ni Direk Reyno ang shooting ng latest indie movie na Silab (Apoy Sa Tagong Paraiso) at pinagbibidahan ito nina JV Cain at Mia Aquino at suportado ng mga sumusunod na actors: Nina Barri, Lance Valderama, Bobby Tamayo, PETA actress Cilia Castillo at Urduja Film Festival Best Actress Elizabeth Luntayao.

Inspired si Direk Reyno sa magandang materyal ng sex-drama movie, kaya naman smooth ang shooting ng kanilang pelikula na intended for Cinemalaya 2020.

Naka-schedule na rin ang shooting ng isa pang movie ng kaibigan naming director (Direk Reyno) na “Wild Butterflies” na ang bida ay newcomer actor na si Kurt Harris at pamama­halaan ito ng tatlong directors. Join din sa cast si Lance Valderama. Nakabalik na pala ng Ontario, Canada si Direk Reyno at active na naman siya sa kanyang Facebook Live na maraming following mula sa iba’t ibang bansa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …