Hiwalay na raw si Nathalie Hart sa live-in partner niya na ama ng kanilang anak.
Sa panayam kay Nathalie ni Kuya Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda ay inamin ng sexy actress na hiwalay na sila ng Indian boyfriend niya.
Balitang hindi kasi nag-workout ang kanilang relasyon at ang kanyang desisyon ay para sa ikabubuti ng kanilang anak. “It wasn’t a happy home, so better for us to have separate lives for my daughter to have a happy environment,” anang aktres.
Although aminado si Nathalie na may feelings pa rin siya sa father ng kanyang anak.
Samantala, dahil single parent na si Nathalie at kailangang kumayod para sa kanyang anak, ito kaya ang maging rason para sumabak siyang muli sa mga daring at sexy films?
Matatandaang naging super-daring at nagpa-sexy nang husto si Nathalie sa pelikulang Siphayo ng BG Productions International ni Ms. Baby Go, na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan. Tampok din siya sa pelikulang Tisay, na entry sa Cinema One Original.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio