Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, sinuportahan ni Sharon; namugto ang mata sa kaiiyak

ISANG special celebrity screening ang ginanap para sa pelikulang Mindanao na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Ginanap ang celebrity screening Lunes ng gabi, December 9 sa Director’s Club Cinema ng The Podium sa Ortigas.

Ang Mindanao ay pelikulang pinagbibidahan ni Judy Ann na entry sa ngayong Pasko.

Hindi nakalimot na sumuporta ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang “younger sister” na si Judy Ann sa naturang celebrity screening ng Mindanao, gayundin ang blockbuster director na si Binibining Joyce Bernal na matagal na ring matalik na kaibigan ng aktres.

Pagkatapos ng screening ay nagpalakpakan ang mga invited guest mainly because of Judy Ann’s superb performance sa pelikula.

Namugto ang mga mata ni Sharon sa pag-iyak dahil sa mahusay at madamdaming pagganap ni Judy Ann sa Mindanao.

Isang tumpok ng tissue paper ang nakita naming nasa harapan ng Megastar na pruweba ng wagas niyang pagluha habang pinanonood ang pelikula.

Pagkatapos din ng pelikula ay nakita namin ang mahigpit na yakapan nina Mommy Carol Santos (dakilang ina ni Judy Ann m) at ng Megastar, gayundin ang yakapan nina Sharon at Binibining Joyce.

At tulad ng alam ng lahat, nitong nakaraang November 29 ay isang milestone sa showbiz career ni Judy Ann ang naganap, nanalo siya bilang Best Actress sa prestigious na Cairo International Film Festival para sa outstanding performance niya bilang isang inang si Saima sa Mindanao.

Noong gabing iyon ay ini-award kay Judy Ann ang kanyang tropeo at plaque mula sa CIFF ng Cairo, Egypt.

Siyempre pa, nasa selebrasyon sa The Podium ang mapagmahal na mister ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo (nasa bahay ang tatlong anak nilang sina Yohan, Lucho, at Luna dahil may pasok sa school  kinabukasan), ang mga kapatid ni Judy Ann na sina Kuya Jeffrey at Ate Jack ni Judy Ann at ang ina nga nilang si Mommy Carol.

Dumalo rin ang pamilya ni Ryan sa special screening pati na rin ang iba pang malalapit na kapamilya at kaibigan ng mag-asawang Judy Ann at Ryan.

Ngayon pa lang, dahil sa husay ni Juday sa Mindanao ay marami na ang nagsasabing bukod sa pagwawagi sa MMFF awards night sa December 27 ay napakalaki ng tsansa na maka-grandslam ng aktres sa pagka-Best Actress para sa Mindanao!

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …