Friday , December 27 2024

Mas mahal ko ang paggawa ng pelikula kaysa tropeo — Aga Muhlach

SI Aga Muhlach ang bida sa pelikulang Miracle In Cell No. 7, mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Nuel Naval.

Gumaganap siya rito bilang isang mentally ill father. Anak niya rito si Xia Vigor. Isa ito sa walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2019.

Umaasa ba si Aga na magiging malakas sa takilya ang  pelikula, na isa ito sa mga pipilahan sa walong pelikulang kasali sa taunang film festival?

“Ako naman siguro, concerned pa rin ako, pero hindi ako ‘yung naghahabol sa isang box-office hit. Basta ang nangyayari na lang sa akin, kung ano ‘yung pelikulang ginawa ko na masaya ako, ‘yon na ‘yon.  

“Sa ngayon aaminin ko, talagang mahal ko ang pelikula. Gusto kong gumawa ng pelikula. Pero iba na ang sistema ng mga pelikula ngayon.

“Karamihan ng mga tao, nanonood na ng palabas sa ibang platforms. Mas marami sa kanila ang nasa telebisyon naman.

“Pero ako, kahit ano ang sabihin nila, gusto ko ‘yung pelikula. Hindi ko maikakaila na ‘yan ang bumubuhay sa amin. ‘Yang pelikula ang naglagay ng pagkain sa mesa namin simula pa noong araw. Kaya ‘yan ay isang industriya na mamahalin mo, eh,” ani Aga.

Maipagmamalaki ni Aga ang Miracle In Cell No. 7.

“Palagay ko itong pelikula namin, bagay, hindi lang sa festival kundi lalo na sa Pasko. Kuwento kasi ‘yan ng relasyon ng mag-tatay, eh.

“Dito sa atin, masyadong common na ‘yong kuwento ng nanay at mga anak. Ang dami niyan, eh. Pero bihira ang gumagawa ng kuwento ng tatay, na hindi naman natin maikakaila na mahalaga rin.

“Kaya noong makita ko itong kuwento, sabi ko agad, gusto kong gawin ito. Noong sabihin sa akin na isasali raw sa festival, sabi ko sa sarili ko, hindi ko na pakakawalan ito. Bihirang pagkakataon ito.

“Matagal ko nang hinihintay ito.”

Mahusay sa pelikula si Aga, kaya posible na siya ang tanghaling Best Actor sa MMFF Awards Night na gaganapin sa December 27.

Hindi naman ako magdi-deny na masarap pa rin ang tumanggap ng maraming ganyan. Pero simula’t-sapul, mas mahal ko ang paggawa ng pelikula kaysa tropeo. Basta masaya akong gumagawa ng pelikula.

“Usually, sa araw na ‘yun, high na high ka na napansin ang performance mo. But more than anything, ang pinapangarap ko, sana mapanood lagi ang pelikulang ginawa ko. It’s always about that. But most importantly for me right now, I’m very grateful and blessed that we are indluded in Metro Manila Film Festival and I can guarantee that it’s a very beautiful movie,” pagtatapos ni Aga.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *