Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marie Preizer, sobrang grateful na ma-handle muli ni Direk Joel Lamangan

TILA nagiging paborito ni Direk Joel Lamangan ang magandang newbie actress na si Marie Preizer. Unang movie ni Marie ay via Isa Pang Bahaghari na mula sa pamamahala ni direk Joel at tinatampukan ng Superstar na si Ms. Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael de Mesa, at iba pa.

Sa bagong project ni Marie, magiging parte siya ng mini-series for iWant streaming titled The Beauty Queens ni Direk Joel. Tampok dito sina Ms. Gloria Diaz, Maxine Medina, Winwyn Mar­quez, Ross Pesigan, Nella Dizon, at Maris Racal. Isang vlogger dito si Marie na naging second wife ni Albie Casiño.

“Actually I found out just a couple of weeks ago and ang saya-saya ko talaga. Grabe na I had the opportunity already na makasama ko siya at siya maging director ko. And now have it a second time, another opportunity to be able to work with him again. Kaya grabe ang grateful ko talaga. Kasi noong unang pelikula ko, sa Isa pang Bahaghari, kahit na maliit lang ‘yung role ko, isang shooting day lang, pero happy daw siya sa the way I worked. And sabi niya talaga I did well, and that we will hear from them again. And so now we did. And ngayon mas malaki talaga ‘yung role ko. I’m just so happy to be able to get again even more ex­pe­rience and learn how it is to be on a set.”

Sa aming panayam sa kanya, nalaman namin na wish din niyang maging parte ng teleserye. “Yes of course, when it’s time and I get the opportunity I would love to. Hindi pa ako nagkaroon ng teleserye, kasi bago pa lang ako sa showbiz. Tinatapos ko pa ang acting workshop sa Star Magic. One year pa lang ako sa ‘Pinas, things take time.

“My wish actually is to be a part of an action film or even teleserye. Maganda ang action. Not the typical drama series. Although sa tingin ko rin, ang magaling na artista kaya lahat ng roles regardless kung action, comedy, drama, etc.,” aniya.

Nabanggit din niya ang gustong maka-work na artista. “Ang gusto ko maka-work would be Christopher De Leon, kasi one of the best actors siya talaga… Sina Richard Gomez, Coco Martin, Dawn Zulueta, at Vilma Santos. Marami pa actually hahaha pero these are one of my favs. And of course Mrs. Nora. Kasi same movie kami pero hindi same scene. Sayang nga po e, hehehe.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …