Saturday , November 23 2024
electricity meralco

Christmas wish ng consumers: “End costly, dirty electricity!”

KASUNOD ng mga kritisismo na ibinato kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pribadong “water concessionaires” nitong nakaraang Linggo, nagsagawa ng kilos protesta ang mga kababaihan upang himukin ang pamahalaan na tuldukan ang mahal at maruming enerhiya sa bansa.

Ang kilos protesta ay pinangunahan ng  Progressive Women’s group Oriang, na bawat isa ay nagdala ng tig-kakalahating pagkain na pang-Noche Buena na kadalasang inihahain ng mga Pinoy at tanging kahilingan nila o Christmas wish sa Pangulo ay huwag nang pahintulutan pa ang pagtatayo ng maruming enerhiya gaya ng “coal power plants” sa bansa.

“Today, coal and other fossil fuels dominate our power mix not because they are the best option for consumers, but because contracts for these fuels are most profitable for private power companies,” giit ni  Oyette Zacate, tagapagasalita ng Progressive.

Ayon sa grupo, ang ibinigay na kalayaan sa pribadong korporasyon ay nagresulta sa pagkakaroon ng maruming sektor sa enerhiya at naging prayoridad pa ang kikitain kesa sa   ipagkakaloob na serbisyo.

“We find the government’s recent call out against abuses by water firms to be agreeable, but as electricity consumers, we demand that the same accountability be asked of power players who have long been benefiting from an energy sector whose rules have been protecting their, and not the public’s, interest,” ayon kay  Gerry Arances, Convenor ng  Power for People Coalition (P4P).

Kasabay nito, hinikayat ni  Arances ang gobyerno na huwag hayaan sa pribadong korporasyon at akuin  ang kahihinatnan ng mga ‘bid’ upang matiyak na hindi makasisira sa kalikasan, kalusugan at abot kaya ang halaga ng pamilyang Filipino ang bayarin sa elektrisidad.

“The government can much more easily walk the President’s SONA 2019 talk of ending coal dependence and fast-tracking the development of renewable technologies. We remind them that as public servants, providing Filipinos with clean and affordable electricity is their duty,” dagdag ni Arances.

Sinabi ni Flora Santos, coordinating council member of the Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), ang Noche Buena ay maituturing na isa nang ‘luho’ ngayon at dumarami na ang pamilyang Filipino ang nahihirapan dahil sa patuloy na pagtaas ng bayarin sa tubig at elektrisidad.

Dagdag ng grupo, ang Electricity and Power Industry Reform Act of 2000, ay nararapat nang muling repasohin at rebyuhin.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *