SINO kaya sa palagay n’yo ang nangunguna ngayon sa listahan ng drug cartels na kanilang target makaraang mapilayan ang kanilang operasyon nang paggigibain ang kanilang ‘business rooms’ sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) kamakailan?
E sino pa nga ba sa palagay ninyo kung hindi sina P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar at Bureau of Corrections (BuCor) Director, Gen. Gerald Bantag. Bakit?
Natatanging ang dalawang opisyal lamang ang may lakas ng loob na banggain ang convicted drug lords sa NBP na patuloy sa kanilang operasyon kahit sila’y nakakulong na.
Obvious na kaya nakakikilos pa rin sa kanilang negosyo ang mga drug lord sa loob dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang jail guards. Siyempre, alam na ninyo kung ano ang kapalit ng sabwatang jail guards at drug lords.
Hayun, dahil kina Eleazar at Bantag, posibleng malaki ang nawala sa grupo nang pangunahan ng dalawa ang panggiba sa mga ‘kubol’ ng drug lords na ginamit bilang ‘opisina’ nila. De aircon pa nga ang ‘opisina.’
Sa kubol nangyayari ang lahat – karamihan ay transaksiyon sa droga sa laban sa NBP.
Sa talumpati ni Eleazar sa kanyang oath-taking at donning of rank para sa kanyang promosyon – tree star general…”I personally declared war against the big time drug lords and cartels when I joined hands with BuCor Director General Gerald Bantag in demolishing the kubols in the Bilibid a few months back.”
Ang pag-amin ni Eleazar ay malamang na ikinagagalit ng drug cartels. Napilayan ba naman ang kanilang ‘negosyo’ at milyon-milyong piso ba naman ang nawala sa kanila. Naturalmente General, tiyak na pag-iinitan po kayong dalawa ni Bantag.
“In the process, General Bantag and myself must now be in the top of the hit list of the drug cartels,” pahayag ni Eleazar.
Well, malamang sa malamang iyan general, kaya hindi lang kaonting ingat ang dapat kung hindi, doble pa sa dobleng pag-iingat.
“I gave particular attention to government detention facilities, particularly the NBP, as they have become both a comfort zone and a ‘war room’ of big time drug lords in the country with the help of corrupt prison officials. This is one of the reasons, why the Philippines was plagued by illegal drugs problems,” banggit ni Eleazar sa kanyang talumpati nitong 2 Disyembre 2019.
Heto pa ang sabi ng palaban na heneral na ang pagkakasangkot ng convicted drug lords sa pagkakalat ng ilegal na droga sa bansa ay kompirmado makaraang mapatunayan sa iba’t ibang drug operatios na nasa kanyang superbisyon simula nang maging District Director siya ng Quezon City Police District (QCPD)
Sa QCPD, hindi matatawaran ang drug operations noong panahon ni Eleazar bilang pagtugon sa drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte. May mga naarestong bigtime drug dealers na galamay ng drug lords sa NBP, napatay na QC ninja cops nang manlaban; milyon-milyong halaga ng shabu ang nakompiska at higit sa lahat malaki ang ibinaba ng krimen sa lungsod bunga nga po ng matatagumpay na drug operations.
Hindi lang pala mga shabu at marijuana ang nakompiska kung hindi milyong halaga din ng party drugs.
Nang makita ng Palasyo ang seryosong pagsuporta ni Eleazar sa giyera ni Pangulong Duterte laban sa droga, inilipat (promoted) ang opisyal sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) bilang Regional Director. Nasaan lugar man naitalaga si Eleazar, hindi nagbago ang kanyang kampanya laban sa droga.
Hayun, nakita uli ng palasyo ang sinseridad ni Eleazar kaya agad siyang inalis (promoted uli) sa PRO 4-A. Ginawa siyang Regional Director ng
National Capital Regional Police Office (NCRPO). Wala pa rin pagbabago sa opisyal – halos hindi na matulog sa pagpapatupad ng batas sa Metro Manila. Hindi lang nakapokus ang opisyal laban sa droga at kriminalidad kung hindi maging sa police scalawags.
Kaya, hindi lang pala drug lords ang maaaring may galit kay Eleazar kung hindi maging ang maruruming pulis.
Ngayon, ang hanap ni Pangulong Duterte para maging Chief PNP ay pulis na talagang seryoso at sinsero sa pagpapatupad ng kanyang katusan laban sa droga, kung makagayonman Pangulong Duterte, e sino pa nga ba ang may karapatan at may patunay sa tatlong nasa shortlist ninyo?
AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan