Friday , December 27 2024

Aga, excited mapanood ng Korean actor na si Ryu Seung Ryong; Miracle in Cell No. 7, Rated A ng CEB

IN constant communication pala si Aga Muhlach sa Korean actor na gumanap at nagbida sa Korean movie na Miracle in Cell No. 7, si Ryu Seung Ryong.

Sa mediacon na ginanap kamakailan para sa Viva Films entry sa 2019 Metro Manila Film Festival, naikuwento ni Aga na natuwa ang Korean actor sa Filipino adaptation ng Miracle in Cell No. 7.

“Nag-comment siya at ipinost niya. As a matter of fact, we texted each other. We’re kind of constant communication now and I invited him to the premiere and he’s fixing his schedule kasi busy din siya. Pero sabi niya, ‘it’s really an honor to be invited to your premiere and I can’t wait to see your movie.’

“And I told him, ‘you we’re an inspiration.’ Kasi ang pelikula niya hindi lang tungkol sa kanya o sa ibang artista kundi tungkol sa relasyon ng mag-ama. Na napagbintangan, nakulong and how he changes people, how he change everyone, so tamang-tama for the festival.’ Kaya what can we asked for? And the guy even promote it. Sabi ko nga sana mai-show ito sa Korea,” masayang sabi ni Aga.

At pagkasabi niyon ng actor, kinompirma ni Leigh Legaspi, VP ng Viva Communications Inc. na ipalalabas sa Korea ang naturang Pinoy adaptation na pelikula.

Ang Filipino adaptation ng Miracle in Cell No 7 ay nananatiling totoo sa orihinal na kuwento. Ginagampanan ni Aga ang isang ama na may pagkukulang sa isip at pinagbintangan na nanghalay at pumatay sa isang batang babae, anak ng mataas na opisyal (Tirso Cruz III). Dahil nakulong si Joselito (karakter ni Aga), ang anak niyang si Yesha (Xia Vigor) ay naiwang walang mag-aalaga.

Nais ni Joselito na makasama si Yesha kahit sa bilangguan. Ang kanyang mga kakosa ang nagtulong-tulong para maipasok ang bata sa kanilang selda. Kung paano nila napagtagumpayan iyong gayundin ang pagkakaibigang nabuo at epekto sa kanila ng batang si Yesha ay maituturing na miracle sa cell no. 7.

Ang Miracle in Cell No. 7 ay idinirehe ni Nuel C. Naval at kasama rin dito sina Joel Torre, Jojit Lorenzo, Mon Confiado, JC Santos, at Soliman Cruz. Kasama rin ang award winning actor na si John Arcilla bilang prison chief.

Tunay na nakaaantig damdamin ang pelikula lalo na ang pagkalungkot ni Yesha nang walang maibigay na regalo sa ama. Sagot ng ama niya, si Yesha mismo’y maituturing nang regalo dahil ramdam niya ang labis na pagmamahal sa ama.

“It’s a very touching, heart melting movie. I suggest you watch this beautiful movie,” caption ni Tirso sa picture nila ni Aga sa Instagram.

Sinabi naman ni Bela Padilla (siya si Yesha paglaki) na, “There’s really a magic around Kuya Aga…kahit look test lagn he sparks something onscreen. I was watching his videos and amazed na amazed na ako, wala pang lines humahanga na ako.”

Mapapanood ang Miracle in Cell No 7 sa Disyembre 25 na Rated A ng Cinema Evaluation Board at Rated G ng MTRCB.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *