Tuesday , January 14 2025

Pauline Mendoza, bibida na sa isang teleserye ng GMA-7

SOBRA ang kaligayahan at pasasalamat ng Kapuso actress na si Pauline Mendoza dahil finally ay dumating na ang hinihintay niyang break. Matapos mapanood sa Little Nanay, That’s My AmboyMy Love from the Star, at Kambal, Karibal, ang 20 year-old na aktres ay bida na sa forthcoming TV series ng GMA-7.

“Sobrang thankful po sa GMA Network, GMA Artist Center, sa aking manager Boss Vic del Rosario, Jr., and of course kay Ms. Gigi Lara po and sa taong laging gumagabay sa akin, ang aking handler po na si Kuya Gerald Chiang. Dahil binigyan po nila ako ng isang malaking tiwala na gumawa ng isang ganito kagandang project and I will be forever grateful.

“Nagpapasalamat po ako sa tiwala na ibinigay nila. Talagang pagbubutihan ko po ito! And this is it! I will make them all proud,” masayang saad ni Pauline.

Dagdag ng aktres, “Makakasama ko po rito sina Ms. Carmina Villaroel, Mr. John Estrada, David Licauco, Dave Bornea, Liezel Lopez, Kristoffer Martin, at mayroon pa pong iba, directed by Direk Jules Katanyag.”

Samantala, isa pang naunang blessing kay Pau (nickname ni Pauline) ay nang officially maging BeuateDerm baby na siya. “Siyempre po tito, I’m really grateful po talaga kay Momi Rei, Tito Sam and to all my Beautederm family,” saad ni Pau patungkol sa husband and wife bossings ng BeauteDerm.

Patuloy niya, “Kasi binigyan po nila ako ng ganitong opportunity, ipinagkatiwala po nila ako sa magagandang produkto nila. And proud po ako, kasi talaga naman pong napakaganda ng products ng Beautederm, talagang worth it.”

Sabi ni Ms. Rhea ay bibigyan sila ng Kabuhayan showcase, saang mall niya gustong magkaroon ng BeauteDerm store?

Tugon ni Pau, “Nagulat po kami lahat sa pa-surprise ni momi Rei sa amin pong negosyo package. ‘Yun po pala ang sinasabi niyang excited siya sa suprise niya sa amin and mas nagulat po kami. We’re all very thankful po sa kanya and to tito Sam. Gusto ko po sana, sabi ko nga kay momi Rei ay near lang po sa akin, like SM Marikina po, since taga-Marikina po ako. Para madali ko rin po maasikaso kapag wala akong tapings.”

Ano ang reaction niya sa sabi ni Ms. Sylvia Sanchez na malakas ang benta talaga ng BeauteDerm, kaya nagtayo siya ng second store? “Agree po ako talaga riyan. Malakas po talaga kahit saang lugar, gaya ko po sa Marikina nag-start na rin po kasi ako ng online and ‘yung mga client ko po naghahanap na po sila kung saan daw po ang store ko. Nagpa-panic talaga po ang mga tao kapag nauubusan na sila ng stocks, which is nakatutuwa po talaga,” saad ng magan­dang aktres.

Samantala, bubuksan ngayong araw (Biyernes) ang 100th store ng BeauteDerm sa 3rd Floor Ayala Malls Manila Bay na tinawag na Skinfrolic by Beautéderm.

Kabilang sa Beautéderm ambassador na makikita rito sina Ejay Falcon, Ria Atayde, Jane Oineza, Camille Prats, Pauline, Hashtag Ryle, Alex Castro, Alynna Asistio, Anne Feo, Sherilyn Reyes-Tan, Shyr Valdez, Alynna Velasquez, Kitkat & Dessa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi …

Rebecca Chuaunsu Mother Lily Roselle Monteverde

Mother Lilly at Roselle inspirasyon ni Rebecca ng Her Locket

MATABILni John Fontanilla INSPIRASYON ng film producer na si Rebecca Chuaunsu sina yumaong Mother Lily Monteverde at anak nitong …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen Robin iginiit Pilipinas huling-huli sa pagsusulong legalisasyon ng medical marijuana

RATED Rni Rommel Gonzales TODO ang suporta kay Senator Robin Padilla ng mga kilalang pandaigdigang eksperto sa …

Gerald Santos

Gerald fresh pa rin ang trauma kahit 19 taong nanahimik

RATED Rni Rommel Gonzales ILULUNSAD sa Courage concert ni Gerald Santos ang advocacy niyang Courage Movement. Layunin nito na makatulong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *