Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanay Lesing ni Kuya Boy, pumanaw sa edad 90

PUMANAW na ang ina ng award-winning TV host na si Boy Abunda  na si Licerna Capito Romerica AbundaNanay Lesing nitong Linggo, Dec. 1 sa edad na 90 dahil sa complications due to pneumonia.

Nakaburol ang labi ni Nanay Lesing sa Arlington Memorial Chapels sa Quezon City.

Sa pamamagitan ng Facebook, ipinaabot ng kampo ni Boy at ng kapatid nitong si Maria Fe Abunda, kongresista sa Eastern Samar ang pagluluksa ng kanilang pamilya.

Si Nanay Lesing ay matagal naging guro at naging konsehal ng Borongan (tatlong termino), 1995 -2004 at pagkaraan ay naging Vice-Mayor.

“Malungkot na ipinapabatid ng magkapatid na BOY at MARIA FE, kasama ng kanilang buong pamilya, na ang ina nilang si LICERNA CAPITA ROMERICA ABUNDA, ay pumanaw na noong December 1 ng kasalukuyang taon.”

Bago ito’y naikuwento na sa amin ni Kuya Boy, minsang nakausap namin siya sa cellphone, na matagal-tagal na ring nasa ospital ang kanyang ina. Na ayon sa ulat, may 67 araw sa ospital.

Araw-araw na binabantayan ni Kuya Boy ang kanyang ina na nang malagutan ng hininga’y yakap-yakap ng magaling na host.

Alam nating sentro ng buhay ni Kuya Boy ang kanyang ina. ”She’s the center of my life and I hope she’s not suffering. ‘Yun lang naman ang gusto ko sa nanay. She’s turning 91 in January, huwag lang masaktan.

“I am grateful in both joy and pain. Grateful because kahit nasasaktan ako, I’m being given the chance by God to be the best mother to my mother and I’m being able to say thank you to her.

“I will be honest, I don’t know how I’m going to live my life without the presence of my mother. Pero katulad ng maraming sugal sa buhay ko, susuungin ko, because that’s the only way.”

Ngayong araw, Dec. 4 ang huling gabi ng lamay ni Nanay Lesing.

Kay Kuya Boy at kay Ate Maria Fe, ipinahahatid  namin ang buong pusong pakikiramay.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …