Friday , December 27 2024

SOJ Menardo Guevarra ayaw pang maging Supreme Court justice

HINDI pa man nag-iinit ang nominasyon kay Department of Justice Secretary Menardo Guevarra para sa Associate Justice ng Supreme Court, agad naglinaw at nagpahayag ng kanyang posisyon ang kagalang-galang na ginoo mula sa Malhacan, Meycauayan, Bulacan. 

Ayon sa ama ng DOJ, kasalukuyan pa siyang masaya sa kanyang pamumuno sa Kagawaran at alam niya na marami pa siyang maiaambag sa pagsasaayos ng departamento. Bagamat naging pangarap niya ang maluklok bilang isa sa mga punong mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman, isa rin ito sa kanyang ikinonsidera noong siya ay nag-apply sa pagiging SC Justice noong 2016.

 “Do you know the feeling of someone who has always desired a wonderful person to be his or her spouse in the future? But somewhere along the way, he bumps into someone else whom he likes and desires,” sagot ni Guevarra matapos siyang tanungin tungkol sa kanyang desisyon.

Palatandaan na talagang napamahal na si SOJ Guevarra sa kagawaran.

Kamakailan lang, si SOJ Guevarra ay ininomina ni retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino sa posisyong binakante ni dating Associate Justice Diosdado Peralta. Si Peralta ang nahirang at kasalukuyang nakaupo bilang Chief Justice.

 “I have known Secretary Guevarra to be a person of proven competence, integrity, probity of independence and his sense of patriotism through his socio-civic engagements,” saad ni Victorino.

Gayonpaman, nagpapasalamat si Guevarra sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Justice Victorino dangan nga lang ay talagang hindi pa siguro panahon para iwan niya ang DOJ kasama rin ang ilang ahensiya ng gobyerno na nasaakupan nito.

Tayo man ay naniniwala na hindi lubos na isinasara ni SOJ Guevarra ang pinto para sa kanyang pangarap na maging isa sa mga mahistrado ng Supreme Court.

Iba pa rin ang kinang kapag sinabing Supreme Court Justice. Ito ang pinakarurok ng pangarap ng isang abogado at hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang maluklok sa naturang puwesto.

Bukod sa pagkakaroon ng fixed term, ang mga napupunta rito ay ‘yung mga tinatawag na “cream of the crops” o de kalibre sa madaling salita!

Kung “credentials” ang pag-uusapan, hindi matatawaran ang kakayahan at mga karanasan ni SOJ Guevarra. Matagal na siyang nagseserbisyo sa ilang administrasyon at ni minsan ay hindi nadungisan ang kanyang pangalan. Walang pagmamalabis na nakita sa kanya, kaya naman mahal siya ng kanyang mga nasasakupan.

Well, you’re on to the right track, SOJ Guevarra.

Saan ka man maitalaga kitang-kita at damang-dama na welcome kayo sa mga taong gobyerno!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *