IGINIIT ni Jerald Napoles na maayos ang pag-alis niya sa bakuran ng Triple A para lumipat sa bakuran ng Viva. Five-year, 10 picture contract ang pinirmahan ng theater actor.
Ayon kay Jerald, hindi siya inimpluwensiyahan ni Kim sa paglipat. ”Ako po kasi nagsimula akong theater actor so, pagpasok ko po ng showbiz, ang gusto ko lang po ay umarte lalo na po sa pelikula kasi po mas malapit ang sensibilidad ng entablado sa pelikula. Isang malaking factor po ng paglipat ko po ‘yung mga pelikulang gagawin.”
Bagamat napag-uusapan naman nila ni Kim ang ukol sa Viva, hindi naman siya inimpluwensiyahan ng kanyang girlfriend.
“Kung wala man si Kim sa Viva and if they’re going to offer me something like what they offered me I’ll still accept po. Kasi she has her own success already, parang I don’t want to be…
“Kahit dyowa po ako ni Kim I don’t want to live in the shadow of that success also. Medyo nauna naman po ako kay Kim sa industriya so meron na rin po akong pinapangalagaang brand,” ani Jerald.
Sa kabilang banda, hindi itinago ni Jerald ang excitement sa posibilidad na makapagtrabaho sa ABS-CBN lalo na sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
“Kung saan po may trabaho. Wala naman po akong network contract. Sa ngayon po kung ano ‘yung ibibigay tatanggapin ko.
“Pero sa ABS po kasi, kahit hindi po ako nakakapagtrabaho roon, ang mga kadikit ko talaga roon ay sina Coco (Martin) talaga, mga nakainuman. Tapos si Coco po talaga even before ‘Probinsyano’ he called me personally at sinabi niya na mayroon siyang project na gusto niya ay kasama kami ni Pepe Herrera. And then ‘Probinsyano’ came about but during that time there’s ‘Sunday Pinasaya.’”
Nakasama ni Jerald si Coco sa pelikulang My Lady Boss kaya naging close sila ng aktor. Kasama rin doon si Pepe Herrera.
Hindi naman masagot ni Jerald ang dahilan ng napipintong pagkawala ng Sunday PinaSaya.
“Hindi na nila nasabi sa amin.We were just informed that we have a few episodes left. So, let’s do our best.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio