Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, ‘di tinablan sa paghawak sa boobs ni Rox

NAKAUSAP namin si JC de Vera na male lead star ng Love Is Love na bukod kay JC ay pagbibidahan ni Roxanne Barcelo, directed by GB Sampedro.

Produced ng RKB Productions and written by Araceli Santiago, tampok din sa pelikula sina Jay Manalo, Raymond Bagatsing, Marco Alcaraz, Neil Coleta, Keanna Reeves, at Rufa Mae Quinto.

Sa pelikula (na ipalalabas ngayong December 4) ay may eksenang hawak ni JC ang kaliwang boob ni Roxanne (although nakadamit naman si Roxanne) at hindi raw dinaya iyon.

Pinag-usapan nila ni Roxanne bago kinunan ang naturang eksena.

“Lahat naman pinag-uusapan namin and we made sure na lahat kami okay doon sa eksena, na hindi lang basta-basta dapat ko siyang gawin.

“Pinag-usapan talaga namin and we made sure na may essence siya roon sa pelikula,” at tumawa si JC, “hindi basta makagawa lang kami ng eksena.”

Alam ni Rikkah (asawa ni JC) na may ganoon silang eksena ni Roxanne.

“Pinababasa ko naman mga script na ginagawa ko.

“Naiintindihan niya na actor ako and trusted  naman ako, eh. Alam n’ya naman na very professional ako pagdating sa mga ganyan.

“And very faithful and loyal ako. Wala siyang masasabi talaga.

“Kahit itanong n’yo kay Rox how I am sa set, mae-explain niya lahat.”

La­laki si JC, ano ang nararam­daman niya habang hawak ang boob ni Roxanne habang kinukunan ang eksena?

“Wala! Wala. I’m just working. Ganoon ako ka-professional.

“Aktor ako at hindi ko hinahaluan ng malisya ‘yung mga ginagawa ko.

 ”Kung ano ‘yung kakailanganin ko sa eksena, whatever I need to feel that moment, ginagawa ko.

“Medyo malalim siyang pakinggan, mahirap siyang intindihin pero kapag pumapasok kami roon sa eksena tanggal lahat ng mga inhibition namin,” pahayag pa ni JC.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …