Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmina, ‘sinusundan’ ng mga kaluluwa

AMINADO si Carmina Villaroel na higante ang mga kasabayan nilang entry sa Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa Disyembre 25. Pero umaasa siyang panonoorin ang pelikula nilang Sunod dahil sa wala pa silang ginagawa, wala pang eksena, mararamdaman na ang takot.

Bale ngayon lang uli gumawa ng horror movie si Carmina matapos ang maraming taon. Ang huli niyang horror movie ay ang Shake, Rattle and Roll ng Regal Films. ”Twelve years old pa lamang yata ako noong ginawa ko ‘yan?” ani Mina.

Sinabi pa ni Carmina na iniiwasan niyang gumawa ng horror movie dahil matatakutin siya.

At saka feeling ko noon, sumasama sa akin. Sinusundan ako ng mga kaluluwa. Kasi siguro problemado ako noon, ito ‘yung dalaga pa ako. Pero nang nag-asawa na ako at nagka-anak, nawala na,” esplika ni Carmina.

“Pero nang ibigay nila ang script nitong ‘Sunod,’ nagustuhan ko agad siya,” sambit pa ni Carmina.

Sa kabilang banda, nilinaw niyang hindi siya tinanggal sa The Heiress na dapat ay gagampanan niya ang role ni Sunshine Cruz.

Hindi ako umalis, hindi ako tinanggal, pero parang tinanggal na nga rin ako. Nagkaroon lang kami ng parang misunderstandings,” paliwanag ni Mina.

Gagampanan ni Carmina ang isang ina sa Sunod na nagtatrabaho sa isang call center. Sa pelikula’y ipakikita nila ang mga misteryo sa call center.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …