Friday , December 27 2024

Nganga as in biglang naging ‘tunganga king’ ang mga kritiko kontra SEA Games

ANO na kaya ang masasabi ngayon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa napakagandang opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Philippine Arena?

Tila ba hindi nag-iisip, panay ang salita noon ni Panelo na laban sa organizers ng SEA Games — ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na ang chair ay si Speaker Alan Peter Cayetano. 

Ayon kay Panelo, may punto raw ang mga bumabatikos sa paghahanda para sa SEA Games at mayroon nga naman daw mali sa mga preparasyon.

Sinabi ni Panelo, mag-iimbestiga raw ang Malacañang at wala raw lulusot kung may makitang iregularidad, kahit pa mga kaalyado ng Pangulong Duterte.

Bilang tagapagsalita ng Pangulo, mas mabuti sana kung naging mas maingat si Panelo sa pagpapalabas ng kanyang mga pahayag tungkol sa SEA Games nang hindi na siya nakadagdag pa sa pagbibigay lamat sa pagho-host ng ating bansa ng palarong ito.

Ano ba ang mga sinabi ng mga nakasaksi sa SEA Games opening ceremony, maging live sa Philippine Arena o sa TV? Di ba’t puro mga papuri ang narinig natin, maliban sa mga talagang sarado na ang mga isipan,  at ang mga naparami ang kinaing ampalaya kaya bitter?

“Electrifying,” “amazing” “spectacular,” “world-class,” “stunning,” “fantastic”, “impressive” — ilan lamang ‘yan sa mga nabasa at narinig natin na pagsasalarawan sa opening ceremony. 

“Proud moment” at “Proud to be Pinoy,” “goosebumps,” “nakaiiyak” dahil proud sila, ang ilang mga reaksiyon ng mga nakapanood. 

Ganyan din tiyak ang naging reaksiyon ni Panelo. ‘Tunganga King’ na siya ngayon.

‘Wag muna kasing ‘yakyak’ nang ‘yakyak.’

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *