Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karisma ni Kris, ‘di pa rin humuhupa

HININTAY pala talaga ng may-ari ng Dalisay Ultra Premium Rice si Kris Aquino mula sa pagpapagamot nito sa Singapore at pagbabakasyon para maging endorser ng kanilang produkto. Matatandaang nagtungo kamakailan si Kris sa Singapore para sa series of medical tests gayundin ang pagbabakasyon nilang mag-iina.

Bagamat alam ng mag-asawang Patrick at Rachel Renucci , may-ari ng Dalisay Ultra Premium Rice na matatagalang bumalik  si Kris, nagpa-una na itong nagsabing hihintayin nila ito.

Ang bigas ng Dalisay ay Japanese rice na rito sa ating bansa itinatanim. Napag-alamang naming maraming magsasaka ang natutulungan nito dahil advocacy ng mag-asawa na nagtayo ng rice mill sa Leyte na tulungan ang mga magsasaka na magtanim ng premium rice at ibenta.

Tubong Leyte si Rachel kaya naman gusto niyang matulungan ang kanyang mga kababayan lalo’t grabeng naapektuhan ang kanilang lugar ng bagyong Yolanda.

Nagustuhan ni Kris ang Dalisay rice dahil masarap at malasa. Kaya naman ibinahagi rin niya ito sa mga entertainment press. Ang Dalisay rice ang Pamasko ni Kris ngayong Disyembre na for sure ikatutuwa ng sinumang makatatanggap nito.

Nakatutuwang kahit nagkakasakit si Kris, sunod-sunod pa rin ang mga produktong ineendoso niya at marami pa rin ang nagtitiwala sa kanya. Iba kasi si Kris, nariyan pa rin ang kanyang karisma.

Speaking of karisma, nakita namin ang post ng isang katoto ukol sa  pag-apir ni Kris sa isang mall sa Makati para sa kanyang isa pang ineendosong produkto, ang Lady’s Choice. Aba naman, halos hindi mahulugang karayom ang napakaraming sumalubong sa kanya. Tila nasabik talaga ang publiko kay Kris.

Matagal-tagal din naman kasing hindi naglalabas si Kris simula nga nang magkasakit kaya hindi nakapagtatakang masabik sa kanya ang publiko. Pero sa totoo lang, iba talaga si Kris, laging pinagkakaguluhan eh.

Ayon sa kuwento ni Dindo Balares ng Balita, dinumog ng fans ang naturang venue. Isang oras pa lang bago magsimula aag event naroon na agad ang mga iyon. Ramdam ang excitement.

Hindi man napagkikita si Kris sa TV o madalang lang sa pelikula, hindi pa rin talaga kumukupas ang ningning at paghahangad ng tao na makita at mapanood siya. Iba talaga ang karismang Kris.

Anyway, nag-cooking demo si Kris kasama ng chef at host with maching tsikahan na punumpuno ng valuable info kung paano ipinagdiriwang ng pamilya Aquino ang Pasko at kung ano-anong mga pagkain ang inihahanda nila.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …