Friday , December 27 2024

Istorya ng Pag-asa Film Festival, muling magbibigay-inspirasyon sa 2020

BINUBUKSANG muli ni Vice President Leni Robredo at ng Ayala Foundation, Inc., ang Istorya ng Pag-asa Film Festival para sa 2020, para hikayatin ang mga Filipino na magbahagi ng mga kuwento ng inspirasyon mula sa mga ordinaryong mamamayan.

Ikatlong edisyon na ito ng film festival, na maaaring sumali ang kahit sinong Filipino, mapa-professional filmmaker man o hindi, at maging iyong mga nakatira sa ibang bansa.

Ang isang entry ay dapat magbahagi ng isang totoong kuwento ng pag-asa sa loob ng isang 3- to 5-minute short film.

Layon ng patimpalak na magbigay ng plataporma upang maipakilala ang mga kuwento ng mga ordinaryong Filipino na nagpursige at nagtagumpay laban sa mga dagok sa buhay, at ang pag-asa na kanilang ibinabahagi sa kabila ng mga hinaharap na pagsubok.

Inilunsad ang Istorya ng Pag-asa Film Festival 2020 noong Miyerkules, Nov. 27, sa Makati City, kasabay ng selebrasyon ng ikatlong taon ng programang Istorya ng Pag-asa ng OVP.

Iyong wealth of stories of hope sa atin, iyong mga istorya ng pag-asa, sobrang dami. Sobrang dami. Kaya sana mas marami ring opportunities para maipaalam sa iba iyong kuwento nila,” ani VP Robredo, na humarap sa mga miyembro ng press sa launch nitong Miyerkoles.

Mas malalaking papremyo ang ipamimigay sa Istorya ng Pag-asa Film Festival 2020. Kabilang na rito ang P100,000 para Best Film, P50,000 para sa 1st runner-up, at P30,000 sa 2nd runner-up. Ang tatlong pelikulang ito rin ay mIpalalabas sa Ayala Mall Cinemas sa buong bansa.

Mamimigay din ng special awards sa patimpalak, tulad ng Best Director, Best Cinematography, Best Editing, at People’s Choice Awards, gayundin ang special awards mula sa OVP at sa Ayala Foundation.

Para sa mga detalye, bisitahin sa www.istoryangpagasa.ovp.gov.ph. Sa March 27, 2020 ang deadline ng submission of entries.(MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *