WALA pang petsa ang kasalang Angel Locsin at Neil Arce. Ito ang iginiit kamakailan ni Dimples Romana sa launching ng Juanlife Personal Accident Insurance. Ang tiyak lang ay ang bachelorette.
Natatanong si Dimples ukol sa kasalang Angel at Neil dahil best friend siya ni Angel. Pero wala pang maibigay na update si Dimples ukol sa nalalapit na kasal ng dalawa.
Samantala, excited si Dimples sa bago niyang ineendoso dahil bukod sa kailangan ito ng lahat ng tao, abot kaya pa.
Ang Juanlife accident insurance kasi ay maka-masa dahil sa halagang P300, puwede ka nang magpa-insure na ng P150,000 at sa P500 naman ay P250,000 sa loob ng isang taon. At ang target dito ay ang mga araw-araw na bumibiyahe lalo na ang mga naka-motor na sa hindi inaasahan ay maaksidente. Kaya naman abot kaya talaga ang halaga.
Ani Dimples, ”itong Juanlife ay inilalapit sa mga tao na never na inalok ng ibang insurance agencies o takot ang ibang kumuha kasi mahal. This is securing themselves para may maiwan sa kanilang mga pamilya.
“Maganda rin itong pangregalo lalo na ngayong malapit na ang Pasko, it’s for peace of mind and transformation.
“Sa totoo lang, ano ba ang mabibili mo ngayon sa P300, dalawang milk tea? Imagine sa dalawang milk tea puwede ka ng ma-secure sa beneficiaries mo, o may medical reimbursements kapag naaksidente ka at permanent disable, so may P150,000 worth.
“At puwede rin itong panregalo, pang monito-monita o ipanregalo sa mga kasama sa bahay, ako bilang artista, puwede ko itong iregalo sa mga production crew na hindi naman kalakihan ang kinikita. What a thoughtful gift.
“Kung may small business ka at may mga tauhan ka, puwede mo rin itong iregalo sa kanila at hindi lang para sa tao kundi tatlong tao dahil there are 2 beneficiaries each card worth.”
Si Dimples naman ang napiling endorser ng Juanlife dahil ayon kay Ms Roselle C. Masirag, General Manager ng Agile Insurance Agency at Business Technologies Inc, ”Kasi si Dimples has become popular with Daniela (karakter sa ‘Kadenang Ginto’), it’s a kontrabida role, pero protective siya bilang nanay, so I guess it’s very relatable dahil lahat ng nanay ay gagawin para protektahan ang pamilya, asawa, anak.
“But more than that, mas intelligent na kasi ang audience now, they know that there’s Dimples the mother and there’s Dimples as artista and she’s very popular in her Instagram and it’s evident how dedicated she is as a mom and as a wife.
“’Yung Juanlife kasi speaks not just to moms but to nurture in the family, so this can be daughter, sisters, apo or even men who are the central nurtures of the family and the concerns of all this nurtures is really to protect and provide for their family.
“So, we feel that Dimples as a brand not just a Daniela but as the mother, daughter, the hardworking wife represents the market that we want to talk to. And she’s also very positive when she talks.”
Ang bongga naman nitong Juanlife, tiyak marami ang matutulungan nito.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio