Friday , December 27 2024

Roxanne, naiyak sa Love is Love

MASAYA si Roxanne Barcelo na marami siyang blessings na natatanggap ngayong 2019, pero ito rin ang taong pinakamalungkot sa kanyang buhay. Paano’y ito rin ang taong namayapa ang kanyang ama. Kaya naman hindi napigilan ng aktres sa nakaraang presscon ng Love is Love na maiyak.

Emosyonal si Roxanne dahil naalala niya ang kanyang ama na pumanaw habang isinu-shoot nila nina JC de Vera, Raymond Bagatsing, at Jay Manalo ang pelikula.

“Last June, while my parents were vacationing in the U.S., nadulas ang dad ko sa banyo, nabagok ang ulo, na-stroke, he never recovered and passed away in July, Mahirap ‘yung pinagdaanan ng family namin noon. Malaki ang gastos but buti na lang, maraming tumulong. We miss my dad so much up to now.

“Soon after that, dumating naman itong offer na movie, ‘Love is Love’, where I play the lead role. Bale naka-three movies ako this year, along with ‘The Panti Sisters’ and ‘The Art of Ligaw.’ Being busy helped me in coping with my grief over the tragic loss of my dad.

“Almost naging gift and therapy para sa akin ‘yung dumating ang mga trabaho sa akin like ‘yung sa ‘Panti Sisters,’ 3rd day wake ng ama ko diretso ako kaagad, so for a whole month na wala akong tulog especially that week diretso kaagad and the following day nag-shoot kami for ‘Love is Love,’ sabi ko, I will give my all to honor my dad.

“And I don’t care or people think na bakit hindi ako nagpahinga, wala naman akong ganoong priviledge, eh. Wala akong priviledge na mag three-month sa Bali (Indonesia) at mag-aral ng yoga, maging yogini, wala akong ganoon.

“Ang magkaroon ako ng trabaho is a blessing, everyday is a blessing. Ang iniisip ko, lahat ng trabaho bigay ng Panginoon, lahat ng role, salamat Lord! Lahat ng role na napupunta sa akin is a blessing,” pagaralgal na wika ni Roxanne.

Ikinuwento rin ni Roxanne ang ukol sa pagkakasali niya sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime gayung pawang mga biritera ang kasali roon. Tinawag niya iyong blessings at meant to be tulad ng Panti Sisters na puro mga komedyante naman ang katrabaho niya.

Sa kabilang banda, isang lesbian ang karakter ni Roxanne sa Love is Love na magiging girlfriend ni JC.

“I play Winona, who has long been based in Japan. Fiance ko roon si Neil Coleta as Wacko. Nang umuwi ako ng Pilipinas, pinasalubong niya ako sa airport at ibinilin sa best friend niya, si JC de Vera as Anton. Habang magkasama kami, little by little, Anton fall in love with me. But then, he discovers something in me and so he questions himself about it,” sambit ni Roxanne.

Ang Love is Love ay idinirehe ni GM Sampedro na mapapanood na sa Disyembre 4 mula sa RKB Productions, isa sa nangungunang bazaar at trade exhibition group sa bansa na pag-aari ni Bernard Chong na siya ring may-ari ng World Balance shoes.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *