Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reymond Sajor, sa Indonesia naman makikipag-meet and greet sa fans

MATAPOS na umikot sa mga TV at radio shows ang singer na si Reymond Sajor para sa kanyang single na Road Trip, muling lilipad ito pa-Indonesia para roon naman kalampagin ang kanyang mga tagahangang sumusuporta na sa nasabing kanta sa lahat ng platforms like Spotify, iTunes at marami pa.

Sa nasabing paraan, nagagawa ni Reymond na mas lalong mapalapit sa kanyang mga taga-suporta dahil naipapahayag din naman agad sa kanya ang saloobin ng mga ito sa pakikinig sa kanyang awit.

Produkto si Reymond ng singing search. Sa Indonesia, naging bahagi siya ng Golden Memories Asia. At nakilala bilang Philippine Idol finalist noong 2006.

Kaya naman basta may panahon siya, ini-schedule niya ang meet and greet sa nasabing bansa na unang yumakap sa kakayahan niya sa pagiging isang mahusay na mang-aawit.

After ng Road Trip, isang kanta na naman ang aabangan sa binata na tiyak ikatutuwa na naman ng kanyang followers hindi lang dito o sa Indonesia kundi sa buong Asya na!

Abangan!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …