Friday , December 27 2024

Raymond, suki ng gay role

HINDI laging madali ang mag-portray ng gay role sa pelikula. Pero bakit nagiging suki ‘ata ang mahusay na aktor na si Raymond Bagatsing sa ganitong karakter?

Hindi tuloy maialis na may magduda kung sa tunay na buhay ba eh, isa siyang certified na bading o kloseta ba?

Sa isang malalim na sagot, pina-simple ni Raymond ang pagpapali­wanag na bawat isa sa atin ay may masculinity at femininity nang isilang tayo ng ating ina. Kaya, depende na lang kung alin sa dalawa ang mas malakas na puwer­sang pumapaim­babaw sa iyong pagkatao.

Kaya may lalaking effeminate. May babae namang parang lalaki.

Malalim na nga ang paglalakbay na nilakaran ni Raymond bilang isang aktor.

Sa pelikulang idinirehe ni GB Sampedro para sa RKB Productions na bida si Roxanne Barcelo kasama sina JC de Vera at Jay Manalo at Raymond nga, gay character ni La Greta ang kanyang gagampanan.

Kung ano ang kuwentong mayroon ang isinulat ni Cel Santiago ang siyang ipahahayag ng Love is Love sa mga sinehan simula sa Disyembre 4, 2019.

Naiibang lovestory nga ito. Ang istorya nina Winona at Anton!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *