THEY want to make a name for themselves. At sa mga pinagdaanan na nila sa mundo ng musika, sigurado ang trio na JBK composed of Joshua Bulot, Brian del Rosario and Kim Ordonio. Na sinuwerteng mas makilala ngayon sa pamamagitan ng kanilang awiting Anestisya.
Lording the airwaves mula nang i-launch ito noong Oktubre, iba ang dating ng kantang marami ang nakare-relate lalo na sa millennials.
May magandang arrive ang kanta dahil na sa mensahe nito para sa mga pusong nasaktan at sinasaktan.
Nararanasan na ng tatlo ang sari-saring klase ng mga hamon sa buhay. Nang subukin nila ang X Factor UK noong 2017 na umabot naman sila sa semi-finals, thet got the taste of The Simon Cowell after ng auditions nila.
Ang matagalan nilang ipinaghihintay noon eh, siya namang tila madaliang inihahain sa kanila.
Thanks to their stewards Lester Ramos who was resposible for the song and his partner sa Rider PH na si Jojo Panaligan, JBK has been creating waves.
Sina Joshua at Kim ay napapanood na sa teatro, at nag-audition naman as Pastillas Girl’s suitor si Brian.
Fully booked na nga ba sa mga padating na gigs ‘til 2020 ang JBK?
Trending sila at pataas pa nang pataas ang views sa socmed. Kaya naman lalong kinikilig ang girls sa kanila nang malamang the trio are still single and available and ready to mingle.
Nabuksan na kaya ang isip ng dalawang radio stations na umano e, tumangging patugtugin ang kanilang Anestisya dahil nagpapahiwatig ito ng inuman sa lyrics samantalang there are other songs like Laklak ng Teeth at Beer ng Itchyworms.
Basta abangan na ang JBK! May maganda at relatable na kanta at tanggap na tanggap pa sa merkadong kanilang nakita!
(Pilar Mateo)