MATAPOS natin ibunyag ang kalokohan at pang-i-estafa ng isang Immigration Officer Jayson Cutaran a.k.a. Kyle Go Tecson, Jun Wei Lei at iba pa niyang mga alyas ay lumutang ang mga ebidensiya na mag-uugnay sa kanya a human trafficking.
Inilahad mismo sa social media ng complainants ang sandamakmak na conversations at maging ang paper trail sa mga transaksiyon niya at ng kanyang mga kasabwat sa human trafficking.
Susmaryosep!
‘Yan na!
Nakasaad sa texts messages ni Cawatan ‘este Cutaran kung saan-saang airports niya padaraanin ang kanilang mga palulusutin na pasahero. Isa sa mga nabanggit na exit point ang Iloilo International Airport na karaniwang pinagdaraanan ng mga ipapadala sa middle east partikular sa Saudi Arabia at Qatar!
Grabe!
Kasama rin sa kanilang “convo” ang libo-libong transaksyones na ibabayad sa immigration of-fixers ‘este officers na sangkot sa anomalya.
Mayroon din mga kopya ng boarding pass ng kanilang mga pasahero maging ang ilan pang na-offload o hindi natuloy ang pagsakay.
Ito siguro ay noong inabutan ng higpit ang naturang paliparan?!
Ganoon pa man, makikita ang usapan kung saan pinipilit pa ni Cupal-yan ‘este Cutaran na gawan ng paraan ang pagpapalusot.
Sonabagan!
Wala talagang takot!
Isa rin sa nakalap nating “post” sa social media ang ilang “kuda” ng taong ito na nagpapahaging na wala siyang kinalaman sa krimen?!
Tell that to the marines, ateh!
Paano magiging bonggacious ang lifestyle mo kung ang kinikita mo ay suweldo lang ng isang ordinaryong empleyado ng gobyerno!?
Napakabilis nga ng pag-level-up mo dahil nag-umpisa ka lang sa pagbebenta ng cellphones, nang ‘di ka nakontento ay pinasok mo na ang human smuggling!?
Pati nga mga kasama mo sa BI-NAIA ay na-shocked sa iyong total makeover!
Overwhelmed sila, dai!
Alagang Belo ba ‘yan?
I wish pagkatapos lumabas ng warrant mo sa isinampang kaso ng estafa, swindling at human trafficking, mas mabuti sigurong harapin mo ang iyong mga kaso pati complainants at tuloy ibalik ang P7 milyong dinekwat n’yo ng kasabwat mo sa iyong financier?!
Maliwanag ba!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap