Thursday , December 19 2024

Gari Escobar, ipinaglalaban ang National Artist award para kay Nora Aunor

Inamin ng balladeer na si Gari Escobar na founder siya ng isa sa mga grupo o movement na naglalayong maging National Artist si Nora Aunor. “Opo, may ganoon akong grupo — Nora Aunor For National Artist Movement.

“Gumawa lang po ako ng gano’n kasi dati wala pa po.”

Sa hindi raw pagkakagawad ng National Artist award para kay Nora, labis raw itong ikinalulung­kot ni Gari.

Solid raw ang kanyang paniniwala na si Nora at wala nang iba pa ang karapat-dapat sa naturang recognition.

Ayon pa kay Gari, marami pang ibang grupo o movement ang naglalayon na matuloy na ang paghirang kay Nora bilang National Artist.

Noong taong 2012, ni-restore at ni-remaster ng ABS-CBN Film Archives and Central Digital Lab ang Himala movie ni Ate Guy.

Ano naman ang masasabi nila sa hindi pag­kakapasok ng Isa Pang Bahaghari sa Metro Manila Film Festival?

“Hind rin namin inaasahan na ganoon, e!” he answered. “Hindi namin inaasahan.”

Aminado si Gari na nasaktan sila sa pagkakaligwak ng pelikula ni Nora sa MMFF para sa Disyembre.

Pero hindi na lang daw nila dinidibdib dahil positive thinker raw silang mga Noranian.

Bakit, sa sarili niyang pananaw, hindi nakapasok ang pelikula ni Nora sa MMFF?

“Palagay ko po iniisip nila na sobrang dami na ng award ni Ate Guy, palagay ko po, na mabigyan naman natin ng chance ‘yung iba, baka lang ganoon.

“Para lang huwag ng sumama ang loob natin, di ba po?” he said good-naturedly.

Sa mga nagsasabing hindi na raw kasi kumikita ang mga pelikula ni Nora kaya hindi na ito nakapasok sa MMFF.

Hindi raw naniniwala roon si Gari.

“Kasi actually, lalo na kapag indie film, ano po ‘yan, e… maraming paraan para ang isang indie film kumita, ‘di ba po?

“Ibebenta mo lang ‘yung rights niya, ‘di po ba? Sa TV, isa na ‘yan. I-release po ‘yan sa ibang bansa, ‘di ba po?

“Puwede kang makipag-tie up sa foreign producers, hindi po ba, para magkaroon ng international release.

“Lalo na, Nora Aunor film iyan, hindi po ba? Mataas ang tingin sa kanya ng mga taga-ibang bansa.”

Bagama’t may plano raw si Gari na mag-produce ng pelikula na si Nora ang bida, mas inuuna lang daw niya ang kanyang album.

Pero gusto raw niyang makipag-collaborate sa isang direktor na mahusay at siya ang magsisilbing associate director.

Ang totoo nga niyan, nag-aral raw siya ng pagdi-direk kay direk Brillante Mendoza.

Anyhow, it’s highly probable na si Brillante ang kanyang kuning direktor para sa Nora Aunor movie na kanyang ipo-produce.

Going back to his album, why just now?

“Noon,” he admitted, “wala po siya sa pangarap ko talaga, e.

“Gusto ko lang kumanta, mahilig lang akong kumanta pero… kasi alam n’yo naman, ‘di ba?

“Hindi ko alam kung paano, e. Kung paano ako papasok. So parang gano’n.”

Anyway, the press had the chance to talk to Gari in his album launch last November 15 that was held at the Woorjib Home Of Korean Buffet situated in Sct. Borromeo, Quezon City.

Nilalaman ng kanyang self-titled album na Gari Escobar under Vicor Music & Video, ang mga kantang “Baguio,” “Dito Sa Piling Ko,” “Habang Nandito Pa Ako,” “From Friends To Lovers,” “Hanap Ko Pa Rin,” “Ayoko Na Sa ‘Yo,” “Ayaw Kong Makita Ka,” “Hindi Ka Na Muling Mag-iisa,” “Isang Halik Pa,” “Masisisi Mo Ba,” at “Lumaban Ka.”

Most of the songs incorportated in his album are written by Gari himself. While the other songs are penned by Vehnee Saturno and Bong de Guzman.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *