Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Mae, na-pressure kina Bea at Angelica

DREAM project ni Direk Mae Cruz-Alviar ang pelikulang pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban, ang Unbreakable na handog ng Star Cinema at mapapanood na sa Nobyembre 27.

“What more can I asked for. It’s a dream project, it’s such a privilege at nakaka-pressure nang sabihing sina Bea at Angelica ang bibida. Kasi sanay ako na loveteam. Naninibago ako at serious film ito. This is really something new and it’s an experience.

“It’s something that I will always look back to when I’m older. Kasi ibang klaseng experience ang nakuha ko sa paggawa ng pelikulang ito and with them. Ang sarap magtrabaho with artista’s na artista talaga,” sambit pa ng direktor.

Papuri pa ni Direk Mae sa dalawa,”They know the characters. They know there craft. ‘Yung husay nila rito eh must watch siyempre together with the other artists na kasama nila. The chemistry on screen as friends, ibang-iba. There’s electricity and there’s fire. You’ll see when you watch it. 

“Sasabihin ko uli na it’s an honor to work with them in this movie. Nakatrabaho ko na rin sila when they are younger, little girls. And grabe ang growth nila, maturity, professionalism at kung paano sila nag-evolve not only as actors but also as persons. Grabe ‘yung how experiences molded them to the people they are now.

“I can’t wait for more from them, this is just, if you think this is there  best. I’m sure they will give so much more, still they can give so much more they can give. In this film you will see the kind of talent they have.”

Friendship, naibalik dahil sa Unbreakable

Samantala, hinamon pala ng maraming pagsubok ang friendship nina Bea at Angelica pero nanatili ang maganda nilang samahan at lalong tumibay ang kanilang friendship.

Aminadoa ng dalawa na may mga panahong hindi rin sila nag-uusap at nagpapansinan dahil sa inis sa isa’t isa.

“Oo, sa magkaibigan mayroon talaga niyon. May ill feelings, may mga misunderstandings, may tampuhan, may selosan,” giit ni Angelica.

“Nag-uusap kami ni Bey habang nagsu-shoot kami na parang, ‘Grabe, naalala mo ‘yun, ‘yung nagtampo ka sa akin?’ Ganyan, ganyan. Or siya naman, ‘Oo, girl, ikaw nga rin nagalit.’ Alam mo ‘yung ganoon?

“May mga napag-uusapan kami, and na-imagine ko, ‘Oo nga, magkaibigan nga kami. Nag-aaway kami and pinagdaanan namin ‘yung conflicts na ‘yun.’ And nagkaroon ng time na nag-iiwasan kami dahil naiinis na kami sa isa’t isa,” sambit pa ng aktres.

Susog naman ni Bea, nagkaroon lang sila ng chance ni Angelica na ayusin ang kanilang issues nang mag-shooting na ng Unbreakable.

“Siguro kapag natapos na ‘yung judgment n’yo sa isa’t isa, kapag natapos na ‘yung pagkukubli ninyo ng mga nararamdaman ninyo, ‘yung mga ill feelings niyo sa isa’t isa, roon nagsisimula ‘yung totoong pagkakaibigan. Doon nagsisimula ‘yung happiness, ‘yung hope para sa isa’t isa.”

Sinabi pa ni Bea na blessings ang pelikulang Unbreakable dahil narekindle nila ang kanilang pagkakaibigan.

Bukod kina Angelica at Bea, kasama rin sa pelikulang ito sina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Rosanna Roces, Gloria Diaz, Joao Constancia, Anthony Jennings, Via Antonio, PJ Endrinal, at Issa Liton. Mapapanood na ito sa Nov. 27 sa mga sinehan nationwide.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …