Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kat Ong, wagi sa Beautederm bilang top 1 depot seller award

Isa si Kat Ong sa big-winner sa ginanap na DEKADA: Beautederm Beauticon 2019 at Rhea Royale na birthday celebration ng CEO nitong si Ms. Rhea Tan. Ang marangya at star-studded na event ay ginanap sa Royce Hotel sa Clark.

Ang sariling store ni Ms. Kat na BeauteFinds by BeauteDerm ay nagbukas bandang middle of last year, located sa Unit 307, TNA Building, #17 J. Abad Santos St., Brgy. Little Baguo, San Juan City. Siya ay distributor ng BeauteDerm since 2011.

Under niya, may mega distributor, distributors, and resellers. Ang stores sa ilalim ng kanyang team ay sampu na at balak ni­yang mag­dag­dag pa ng store.

Nagpa­hayag siya ng kagalakan sa natamong karangalan last Saturday.

“Last night nanalo po kami ng Top 1 Depot Seller award (President’s Circle). Napakasaya ko dahil nataon din po sa isang Dekada ng Beautéderm ang pagkapanalong ito. Higit sa lahat, nanalo rin na Top 1 Mega Distributor award (Elite Achiever’s Award) ang aking kaibigan na si Michel Valdez.”

Bakit siya naengganyong magbukas ng BeauteDerm store? “We want our clients to have the option to shop either online or walk in. We want to give them the chance to experience and feel the products, physically. Kaya po kami nagbukas ng store last year,” aniya.

Paano siya na-intro­duce sa Beautederm? “Through Ma’am Rei. I was curious how effective the product was kasi naki­kita ko super daming great reviews sa Facebook.”

Gaano ka-effective ang Beautederm? “Beautéderm has a wide range of skincare products. From face, body, and health, each and every product is very effective. This is the sole reason why Beautéderm remained in business for ten years and counting.”

Ano ang masasabi niya kay Ms Rei Tan? “Si Ma’am Rei po is a very generous person. Lahat ng kaya, ibinibigay niya – inspirasyon, suporta, pagmamahal… Hindi po namin mararating ang lahat ng mga narating namin ngayon kung hindi dahil sa kanya at sa maraming dasal. Kaya paulit-ulit kaming nagpapasalamat at mag­papasalamat sa kanya. Binago niya ang buhay ng napakaraming pamilya dahil sa Beautéderm,” masayang saad ni Ms. Kat.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …