FIRST time kong narinig kumanta ng live sina Joshua Bulot, Bryan del Rosario, at Kim Ordonmagaio o mas kilala bilang J BK at napahanga ako sa ganda ng boses at galing nila kumanta. Bagamat anim na taon na pala sila sa music industry, mas nagustuhan ko ang naging pagkanta nila ng live o acapella.
Nagsimulang umingay ang JBK nang sumali sila sa X Factor UK na pinag-usapan sila dahil sa pagwo-walkout ni Nicole Scherzinger, isa sa mga hurado. Gustong-gusto kasi niya ang JBK pero ibang grupo ang piniling winner ng kapwa huradong si Simon Cowell.
Inamin ng JBK na umiyak sila after ng announcement ng nanalo.
“Ibinigay kasi namin lahat, pero sabi nila, overwhelmed kami dahil first time namin. Hindi namin in-expect ‘yung pressure. Halo-halo na, umiyak din kami sa backstage,” ani Joshua.
Pero bago tayo malayo, paano nga ba nagsimula ang JBK? Sa kuwento ni Bryan, sinabi nitong nagsimula sila sa pagkanta ng mga cover, ”May time pa nga, we even tried a sing-and-dance approach to pattern ourselves after K-pop boy bands. But as time went by, nag-mature rin kami and found our individuality, the music that we really prefer and a better appreciation of OPM and hold our own in the international market.
“’Yung experience namin sa ‘X Factor UK’ made us realize na dapat i-push namin ang paggawa ng mas maraming original songs tulad ng mga inspirasyon namin ngayon like Ben&Ben, IV of Spades, pati ‘yung mga OPM icons like Apo Hiking Society and other successful groups.”
Hindi naman nagsisisi o nainip ang JBK kung ngayon lang sila nagiging bukambibig lalo na nang humataw ang kanta nilang Anestisya, na komposisyon ng entertainment editor na si Jojo Panaligan at ipinrodyus ng RiderPH Studios.
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 300,000 views ang lyrics video nito sa YouTube habang more then 90,000 views naman sa Facebook.
Nasa Top 5 most requested songs na rin ang Anestisya sa halos lahat ng radio stations sa bansa. Nominated din ang JBK sa Most Favorite Pop Boy Group of the Year ng PPop Awards 2019 para sa nasabing kanta.
Habang humahataw ang Anestisya, may tatlo pang original songs na ire-record ang JBK, ”Before the year ends, we’re going to record three new songs na isinulat namin. Bukod diyan, may inihahanda rin kaming regalo sa lahat ng supporters ng JBK na medyo sexy talaga,” saad naman ni Joshua.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio