Thursday , December 26 2024

Alma, naiyak nang manalo ng kotse; Rhei Tan, patuloy na namamahagi ng blessings

NAKAAANTIG ng damdamin ang tinuran ni Alma Concepcion nang magwagi ng kotse, Suzuki Alto, sa katatapos na anibersaryo ng Beautederm Corporation. Kasabay ng ika-10 anibersaryo ang kaarawan ng presidente at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan na ginanap sa Royce Hotel Ballroom, Clark Pampanga.

“Ang dami niyang tina-touch na buhay,” pagaralgal at naluluhang sabi ni Alma. ”Kaya sinasabi ko lagi, idol, idol. Ibig kong sabihin, kami rin sana maraming ma-touch na tao katulad ng napakaraming taong nata-touch mo. Turuan mo rin kami!

“Sana someday makapagbigay din kami ng grasyang ganito kalalaki, ganitong mga experiences. How to be you po. Thank you Beautederm. You help my family, my son. Alam na alam ko ang nararamdaman niya na marami ring natulungan. Alam din niya ang struggles ko sa buhay.

“One thing lang ang constant sa buhay ko, it’ Beautederm. When I started with Beautederm hindi po maintindihan ng tao kung bakit puro Beautederm ang posting ko (sa social media).Pero ito na, ito na, worldwide na ang produktong ito.

“And ‘yung first store ko madaragdagan pa ng isa pa. Sa 2020, bubuksan na ang ikalawa kong store, kasi idol ko si Ibyang (Sylvia Sanchez) pati ang mga lahat ng resellers na narito. Nagpapa-picture po kami sa kanila dahil kami pong mga artista, kami ang fan n’yo. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit obsessed ako sa Beautederm simula pa lang. Kasi lahat tayo, lahat kayo, nararamdaman ninyo kung ano ang naramdaman ko from the beginning.

“’Pag naniwala kayo na without Ms. Rei, Beautederm is already a gold mine. Pero ‘yung tao behind it, mas maganda po kaysa produkto. You can encounter a good product without knowing owner, the character of the owner. Pero the character of this Beautederm is so much more, mas maganda kaysa Beautederm ang puso niya (Rei),” mahabang sabi ni Alma.

Si Alma ay walong taon nang ambassador ng Beautederm. Isa siya sa napakaraming ambassador ng nangungunang produkto.

Sabi nga ni Tan, deserve ni Alma ang pagkapanalo. ”Siya po ay eight years ko nang ambassador. Thank you for loving me since day one. You deserve this.”

Samantala, star studded ang naganap na anibersaryo at birthday celebration ni Tan. Halos dumating ang lahat ng ambassador niya tulad nina Sylvia Sanchez, Enchong Dee, Kitkat, Jestoni Alarcon, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Shyr Valdez, Camille Prats, Arjo Atayde, Ria Atayde, Ken Chan, Pauline Mendoza, Rita Daniella, Sanya Lopez, Carlo Aquino, Gabby Concepcion, Maricel Morales, Ryle Santiago, Sherilyn Reyes, EJ Falcon, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Boobay, Alynna, Luke Mejares, Dessa, Darla Sauler at marami pang iba.

Naroon din ang mga politikong ambassador ng Beautederm mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Lalong nagpatingkad ng kasiyahan ang inihandang entertainment nina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla.

Bago ang selebrasyon ng anibersaryo, nagkaroon muna ng ilang araw na BeauteCon na ginanap sa Marriott Hotel, Clark Pampanga. Dinaluhan iyon ng mga distributor at resellers ng Beautederm at mga guest speaker na makapagbabahagi ng kanilang kaalaman kung paano pa lalong mapauunlad ang pagbebenta ng produktong Beautederm.

Masayang-masaya si Rhei sa anibersaryo at kaarawan niyang iyon. Sabi nga niya, ”I will never, ever be able to build what Beautederm is today without all of you. Thank you mga anak (resellers and distributors). Sana masaya kayo sa aming mga regalo sa inyo. Lord, thank you po.”

Saksi kami sa kaligayahan ng mga reseller, distributor, at ambassador dahil hindi lang negosyo ang hatid sa kanila ni Tan, kundi  isang pamilyang nagtutulungan.

Tunay na kahanga-hanga ang tulad ni Rei dahil hangad niya ang makatulong at maiangat ang kabuhayan ng bawat isa. Hindi siya politiko at hindi rin siya tatakbo sa ano mang posisyon, pero masaya siya sa kanyang ginagawang pagtulong.

Sa Nov. 26 pa ang kaarawan talaga ni Rei pero in-advance na niya ang selebrasyon dahil sa araw na iyo’y ilalaan niya sa pagsimba sa Our Lady of Manaoag.

“Talagang kapag sa mismong araw ng birthday ko, nagsisimba ako sa Manaoag. Sa kanya lang talaga ang araw na iyon. Wala akong ibang gagawin. Kaya inuna ko na ang mga ito. Devotee kasi ako ni Mama Mary,” pagbabahagi niya sa amin.

Bukod sa mga reseller, distributor, ambassador, entertainment press, kamag-anak, inimbitahan din ni Tan ang ilang mga guro niya noong nasa kolehiyo siya bilang pasasalamat din sa mga ito. ”Utang ko rin sa kanila kung nasaan ako ngayon,” giit pa ni Rei.

Bukod sa kotse, namahagi rin ng cellphone, ipad, laptop, kabuhayan showcase worth P100,000  si Tan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *