Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, naka-jackpot sa negosyo

KABUBUKAS pa lamang ng ikalawang Beautederm store nina Sylvina Sanchez at anak na si Ria Atayde kamakailan sa may 68 Roces Avenue, Diliman, Quezon City, ini-announce na rin nila agad ang ikatlong sangay nito na bubuksan sa February 2020.

Kung hindi kami nagkakamali, last year din lang binuksan ang unang Beautederm store nila sa Butuan City. Ang bilis ng pagdami ng store nila kasi naman effective talaga ang mga produktong pampaganda ni Rhea Anicoche-Tan, CEO at president ng Beautederm, kaya marami talaga ang tumatangkilik nito.

Kaya bukod sa magandang takbo ng career ni Sylvia na namamayagpag ang TV show niyang Pamilya Ko, at gumaganap siyang asawa ni Joey 

Marquez, ayos din ang career ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria. Si Arjo ay kari-release lang ng Bagman sa iWant TV, na puring-puri rin ang galing samantalang si Ria nama’y sa suspense thriller na Parasite Island.

Ani Sylvia, by 2020mag-o-open pa siya ng tatlong store sa mga SM mall sa Metro Manila. Kaya naman kung susumahin, magiging anim lahat next year.

“Grabe talaga ang popularity ng Beautederm products among those who want to have good skin kaya naman selling like hotcakes talaga ang mga sabon and creams nila.”

“Itong store ko sa Roces Avenue, sinimulan ko lang ito, but kay Ria talaga ito. Gusto kong tulungan ang mga anak ko na magkaroon ng sarili nilang business through Beautederm. You can get the smooth clear skin you’ve always wanted by using Beautéderm Products that are safe, effective, and Superbrands awardee. They are safe and dermatologically tested to deliver amazing results in as early as 1 week. Their best seller is the Beautederm regular set that comes with a papaya soap, four face creams, and one day and night toner,” ani Sylvia.

Tuwang-tuwa naman si Rhea sa tagumpay ni Sylvia. Si Sylvia kasi ang kauna-unahang ambassador niya at aminado siyang malaki ang naitulong ng aktres sa kanya. “Suwerte po sa akin si Ate Sylvia,” sambit ni Tan. “Lahat po ng ambassador ko ay suwerte sa akin kaya naman ang mga blessing na natatanggap ko ay ibinabahagi ko rin sa lahat. Gusto ko po ‘yung marunong tumulong sa pamilya at mabait talaga. Lahat po sila ay ganyan, may mabuting kalooban.”

Bukod sa buong pamilya ni Sylvia na sumuporta sa kanya (Papa Art at Xavi gayundin ang pamilya ni Papa Art), sinuportahan din siya ng lahat ng ambassador ng Beautederm sa ribbon cutting at opening ng Sylvia Sanchez by Beautederm store. Dumalo sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Ken Chan, Ejay Falcon, Nova Villa, Jestoni Alarcon, Ryle Santiago at ina nitong si Sherilyn Tan, Shyr Valdez, Dessa, comedians Kitkat at Smokey Manaloto, beauty queens Alma Concepcion at Maricel Morales, Pauline Mendoza, Rochelle Barrameda at asawa nitong si Jimwell Stevens.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …