Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyo ni Vina, sinuportahan ng fan

ANG bongga naman nitong fan ni Vina Morales. Biro n’yo dahil hinahangaan niya ang aktres, inenegosyo niya ang Ystilo Salon na pag-aari nina Vina at Shaina Magdayao.

Ani Juvy Avellanosa, avid fan ni Vina, kumuha siya ng franchise ng Ystilo Salon at inilagay sa West Drive, Marikina Heights dahil noon pa ma’y tagahanga na siya ng aktres.

Hindi ito ang unang inenegosyo ni Juvy. Ang una’y isang convenience store na nagtapos na ang kontrata. Naghanap siya ng ibang puwedeng inegosyo at nakita niya ang salon ng magkapatid.

Ani Juvy nang makausap namin ito sa blessings ng kanyang Ystilo Salon, nagustuhan niya si Vina dahil, “magaling po kasing kumanta. Lagi ko siyang pinapanood pa noong nasa Channel 7 siya hanggang sa lumipat na sa ABS (CBN).”

Special guest sa opening/ribbong cutting ng Ystilo ni Juvy si Vina kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kaba kahit ikatlong beses na nilang nagkita ng aktres.

Laking pasalamat naman ni Vina sa bago nilang franchisee dahil wala pa silang Ystilo Salon sa Marikina Heights.

Anang aktres, “Wala pang branch dito sa Marikina West Drive kaya sa lahat ng mga taga-Marikina, San Mateo, at Montalban, hayan nandito na po at may promo kami like 30 percent discounts po, just look for Ms Juvy.”

Natuwa naman si Vina dahil avid fan niya ang kanilang bagong franchisee.

“Nakatutuwa kasi nasusubaybayan niya ako, at ang family niya ay gustong magtayo ng salon at dahil mahilig din naman silang magpaganda kaya sakto naman itong Ystilo at matututukan niya.

Thankful din ako kasi sa dinami-rami ng salon na puwede niyang i-franchise ay Ystilo Salon ang napili niya and were looking forward talaga na to really partner with them and we want also na dumami pa ang branch ni Juvy bago matapos ang five years contract,” ani Vina.

Hiyang-hiya namang magsalita si Juvy dahil, “Kinakabahan po kasi ako, hindi ako sanay (interbyu).”

Sinabi pa ni Vina na lahat ng franchisee nila ay tinuturuang maggupit, mag-ayos ng buhok, mag-make-up para in case na magka-problema ay alam nila ang gagawin.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …