HINDI dapat palagpasin ang benefit concert ng Bidaman finalist na si Jiro Custodio titled The Greatest Show at the Cuneta Astrodome na gaganapin sa Nov . 22 sa Cuneta Astrodome, Pasay City.
Matinding kantahan ang magaganap sa gabing ito at isa sa highlight ng concert ang duet nila ng special guest niyang si Ms. Dulce. “Opo may duet kami ni Ms. Dulce at iyon ang dapat nilang abangan. Icon na po siya, kaya thankful po ako na napagbigyan ang request ko na siya ang kuning special guest. I’m a super fan po talaga,” wika niya.
Ipinahayag din ni Jiro ang kagalakang makapaghatid ng saya sa mga manonood and at the same time ay makatulong sa mga batang may cancer at sa mga street children ng Pasay na siyang beneficiary dito. Nagpapasalamat din si Jiro dahil suportado siya ng mga kasama sa It’s Showtime.
Ayon sa kanya, ang naturang concert ay tribute niya sa kanyang tatay-tatayan sa showbiz na si yumaong German Moreno, na naging instrumento para makapasok si Jiro sa showbiz via sa defunct show na Walang Tulugan with the Master Showman.
Ito ay prodyus nina Sho Hamazaki, Nagaharu Fuiwara, Mario Marcos, at John Cortez. Ito ay mula sa direksiyon nina Jaysar Lorayna at Benedict Borja.
Kabilang sa guest ni Jiro sa The Greatest Show concert ay sina Bugoy Cariño, AC Bonifacio, Jervy delos Reyes, Maria Loroco, Archie Aguilar, Khimo Gumatay, Voice Camp Philippines, Eris Aragoxa, Jay Dizon, Chloe Redondo, JC del Rosario, Twain Tuazon, Egielyn Fernandez, Dan Delgado, Madonna Decena, Jhunjie Dosdos, Mojak Perez, Yuki Sakamoto, Christian Rebada, Benedict Dural, at Marika Sasaki.
Bukod sa napapanood madalas sa Showtime, out na ang single niyang Sabihin Mo Na sa Spotify, Apple Music, iTunes, at iba pang digital platforms. Next na ilalabas niya ang Deep Inside. Wish din ni Jiro na makasali sa isang teleserye ng Dos.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio