Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella at McCoy, puring-puri ni Maricel

ALL praises si Maricel Soriano sa kanyang co-stars sa The Heiress na sina Janella Salvador at McCoy de Leon. Ginagampanan ni Maricel sa The Heiress ang isang mambabarang at ito’y mapapanood na sa Nov. 27 sa mga sinehan nationwide. Idinirehe ito ni Frasco Mortiz.

Tila anak-anakan na nga ang turing ni Maria sa dalawa kaya naman feeling blessed ang dalawang Kapamilya stars dahil na-experience nila ang pagiging thoughtful and sweet ng magaling na aktres.

At nang makapanayam namin sina Janella at McCoy, aminado silang maraming natutuhan kay Maria. Katunayan, binigyan pa sila ng advice nito.

Samantala, sinabi ng Diamond Star na, na-miss niya ang paggawa ng horror movie dahil ang last pa niya ay ang T2 kaya naman nang i-offer sa kanya nina Mother Lily at Roselle Monteverde  ng The Heiress agad niya itong tinanggap bukod pa na ikinokonsidera niyang bahay niya ang Regal.

Sabi nga ni Maricel, “Dito naman talaga kay Mother Lily ako nagsimula. Kaya every time she needs me, nandito lang ako kasi gusto ko talagang mapasaya siya. Sabi ko nga, basta si Mother Lily, kahit walang bayad.”

Sa kabilang banda, hindi itinago ni Maria na nalungkot siya nang hindi naisama sa Metro Manila Film Festival 2019 ang kanilang pelikula. “Who are we to question kung anong plano ni God. Malay natin, ngayong we are given an earlier playdate, mas malaki pala ang kitain ng movie namin, eh ‘di magiging mas masaya si Mother Lily. So thankful lang kaming nabigyan ng earlier playdate at mas mauuna pa kaming ipalabas kaysa roon sa entries sa filmfest. And I can assure the viewers, lalo na ‘yung mahilisa horror films, na hindi sila mabibigo sa pelikula namin. Magaling na direktor si Frasco Mortiz, anak ni Bobot Mortiz. Fresh ang ideas niya kasi bata pa.”

Tama naman ang sinabi ni Maricel dahil sa trailer pa lang nakatatakot na. Kaya watch kayo ng The Heiress.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …