NANGGULAT kapwa sina Cindy Miranda at Rhen Escano sa kanilang erotic thriller movie, Adan na palabas na sa mga sinehan ngayon. Mula ito sa Viva Films, in cooperation with Aliud Entertainment at ImaginePerSecond.
Kapwa sila hindi nagpatalo para mapatunayang kaya nilang gawin anuman ang hinihingi ng kanilang karakter sa Adan.
Umiikot sa pag-iibigan at pagnanasa ng dalawang babae, at ang kanilang mga kasinungalingan ang pelikula. Mula ito sa imahinasyon ni Yam Laranas.
Walang takot ang dalawa sa paghuhubad, pagpapakita ng boobs (o sabi nga eh paglalaro), paghahalikan, at iba pa. Talagang gustong patunayan ni Cindy sa pelikulang ito kung gaano siya kaseryoso sa pagiging artista, lalo na’t grabe ang kissing scenes nila ni Rhen.
Sinabi nga niya na, “Mahal ko talaga ang pag-arte at kapag mahal mo ang isang bagay, lahat, makakaya mong gawin.” Kaya naman ‘yung akala mo’y hindi niya magagawa, nagawa niya.
Maging si Cindy ay todo-bigay din na akala mo’y lalaki ang kalampungan. Sabi nga niya, flawless ang karamihan ng kanilang lovescene ni Cindy.
Mula ito sa direksiyon ni Roman Perez, Jr., at klasik na awiting Himig ng Pag-ibig ng bandang Asin ang official theme song ng pelikula, sa interpretasyon ni Shanne Dandan.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio