Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ariel Villasanta, napagsama sa pelikula sina Pres. Duterte at Trillanes

KAHIT gipit sa pondo, itinuloy ng komedyanteng si Ariel Villasanta ang pelikula nilang Kings of Reality Shows: The First Reality Movie of Ariel and Maverick with Mommy Elvie.

Ayon sa other half ng kalog na tandem na Ariel & Maverick, ayaw niyang pagsisihan sa bandang huli na hindi ito nagawa. Tribute niya rin daw ito sa mga struggling artist na tulad niya at sa pinakamamahal niyang ina.

“It’s about sa mga struggling artist na tulad ko. Na isinanla ko talaga ‘yung bahay ko para makompleto ang movie. This is dedicated to my mommy Elvie and all the struggling artists,” saad ni Ariel.

Dagdag niya, “Kahit anong mangyari, thankful ako, kasi ayaw ko sa lahat ‘yung regrets, e. Ayaw kong dumating iyong araw na nasa wheelchair na ako, tapos sasabihin ko, ‘Bakit hindi ko sinubukan?’ Anoman ang kahinatnan, maligaya na ako. At least I tried, but I still hope that moviegoers would spare time to watch it.

“Through this film, makikita n’yo yung other side nila as real people because it is not scripted, iyon ang gusto kong abangan nila rito.”

Anyway, sa pelikulang ito ay napagsama ni Ariel sina Pres. Rodrigo Duterte at former senator Antonio Trillanes, na first time lang nangyari.

Kabilang sa kaabang-abang na eksena sa pelikulang ito ni Ariel ang kina Pres. Digong, ex-Sen. Trillanes, Mayor Isko Moreno, Coco Martin, Mayor Sarah Duterte, boxing legend and Sen. Manny Pacquiao, Eddie Garcia, Joey de Leon, Jose Manalo, Empoy Marquez, Raffy Tulfo, at marami pang iba.

Mapapanod din dito ang Hollywood adventures at misadventures nina Ariel and Maverick.

Showing na sa November 27 ang Kings of Reality Shows: The First Reality Movie of Ariel and Maverick with Mommy Elvie na prodyus, isinulat, pinamahalaan at tinampukan ni Ariel. Isa itong kakaibang pelikula na maghahatid ng katatawanan, ngunit magpapaiyak din sa mga manonood.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …