Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juris, babawi sa Juris The Repeat

NANGAKO si Juris Fernandez-Lim na babawi siya sa Juris The Repeat concert sa December 14, 2019 na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila dahil nawala ang kanyang boses noong unang concert niya.

Last June kasi unang ginanap ang comeback major concert ni Juris matapos manganak sa ikalawang baby bilang bahagi ng kanyang 10th anniversary sa music industry as a solo artist. Pero hindi niya naibigay ng bongga ang kanyang performance dahil biglang nagka­problema sa kanyang boses.

Hindi ikinaila ni Juris na excited siya sa concert niya sa December dahil ang kaibigan niyang si Ice Seguerra ang special guest niya na siya ring stage director samantalang ang musical direction naman ay mula kay composer Francis Concio.

“Tuwang-tuwa ako at excited ako at babawi ako because during that concert, I think an hour before the show, ‘yung boses ko biglang nagtago. Pero understanding ‘yung mga tao and I had good feedback na rin from them,” paliwanag ni Juris.

“Noong una, the show was too long. Gusto namin ngayon ‘yung hindi sila mapagod at uuwi sila ng punompuno ng saya from the concert, at hanggang paglabas nila ng venue, kinakanta pa rin nila ‘yung mga narinig nila, yung ma-LSS sila,” sambit pa ni Juris.

Sinabi ni Juris ang dapat abangan sa concert niya ngayon, “Basically if you are in the concert you get the idea of how everything started through the songs, for me. Kahit ‘yung even before ako naging singer, ‘yung simula akong kumanta, through the songs, may kuwento siya.

“Marami kaming genres during the show. So halo-halo rin siya. Different styles, different tastes. So that’s what people can expect when they watch the show,” anang tinaguriang tunay na Hugot Queen.

Bagamat mommy na si Juris sinabi nitong walang magbago sa kanyang musika.

Wala namang nagbago with my style maybe with the kinds of music that I like to sing. Definitely, hindi siya magbabago ng ganoon lang because ‘yung mga nakikinig sa akin siyempre importante rin kung ano ‘yung mga gusto nila.

“Siguro nagbago ‘yung ‘pag-i-schedule ng gigs ko. Medyo nalilimit ‘yung time for that dahil siyempre priority na ang family. ‘Yun lang naman ang nagbago talaga,” giit pa ni Juris.

Bukod kay Ice makakasama rin ni Juris sa kanyang concert ang Metro Music Orchestra. For tickets, call TicketWorld (8891-9999) o sa Newport Performing Arts Theater.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …