Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teri Onor, nakaantabay sa medical needs ng kapwa stand-up comedians

ANG totoong kawanggawa raw sa kapwa ay hindi ipinagmamakaingay.

Nito lang kasi namin nabalitaan na may foundation (hindi sa fez, ha?) palang itinatag ang komedyante-politikong si Teri Onor na ang mga benepisyaryo ay mga kapwa niya stand-up comedians.

Sa pagtatanghal sa mga comedy bar nagsimula si Teri na tulad ng marami’y nabigyan ng break sa showbiz nang magkapangalan na.

Ramdam ni Teri ang buhay ng isang stand-up comedian na kumakayod kung kailan himbing nang natutulog ang mga tao. Sa gabi kasi hanggang madaling araw ang kanilang trabaho.

Hindi sapat ang bawat gabing set sa isang comedy bar, na ang nagsisilbing bonus o extra income nalang ay tip na nagmumula sa mga bukas-palad na kostumer na natutuwa sa kanilang performance sa entablado.

Dahil hindi naman sila mga empleado kung kaya’t wala silang regular benefits o may health coverage. Sila mismo ang lalakad nito.

Rito na pumapasok si Teri na isang text o tawag lang sa kanya’y nakaantabay ang kanyang tulong para tugunan ang medical needs ng mga abang stand-up comedians.

Kapuri-puri.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …