Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheree first love ang singing, nanghinayang na ‘di nakakanta sa TNT

AMINADO ang actress/singer na si Sheree na first love talaga niya ang singing. Bunsod nito, masaya si Sheree dahil mas nare-recognize na rin ngayon ang kanyang talent bilang singer.

Ang dating Viva Hot Babe ay nakapag-release na ng three songs at ang isa rito ay nominated sa darating na 2019 PMPC Star Awards for Music para sa kateg­or­yang Dance Recording of the Year.

Kabilang sa nominees ang: Ako Lang Sana (Hashtags) Star Music, Breathless (Jayda Avanzado) Star Music, Cebuana (Karencitta) Viva Records, Chambe (Alex Gonzaga) Star Music, Otso Na (Toni Gonzaga and Alex Gonzaga) Star Music, Poison (Darren Espanto) MCA Music, Inc., Sasa­mahan Kita (Loisa Andalio) Star Music, at We Don’t Give A F**k ni Sheree mula Viva Records.

Nagpasalamat si Sheree sa PMPC sa natamong nomi­nasyon. “Yes, very happy po. I’ve worked really hard for the past years sa music ko. I’ve invested also sa album ko kaya masayang-masaya ako na napansin ang mga kanta ko,” masayang saad niya. Malaki po ang pasasalamat ko sa PMPC na na-recognize nila ‘yung song ko at na-nominate ako kasama ang mga talented na mga artist. Dahil dito, mas na-inspire po ako to work harder with my music,” saad niya.

Sa panayam namin kay Sheree, ipinahayag din niya ang sobrang paghihinayang nang hindi siya nakapag-perform sa semi-finals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

“Nalungkot po talaga ako na ‘di ako nakasali sa semi. Dream ko po na ma-recognize ako as a singer, since ‘yun po talaga ang first love ko. And ‘yung opportunity sa TNT sobrang nanghinayang talaga ako. Pero baka ‘di para sa akin kasi ‘di po talaga nagawan ng paraan,” aniya.

Dagdag ni Sheree, “Gusto sana nila (It’s Showtime) na baguhin ko ‘yung schedule ko, ‘di naman din po kasi inakala ng lahat na mananalo ako. Nagka­taon lang talaga na nai-book na ‘yung Europe tour ko bago pa naibigay ang semi and finals na schedules. Thankful naman ako sa TNT kasi, naintindihan po nila ‘yung reason ko and it was nobody’s fault naman po talaga.”

Samantala, nabanggit din ni Sheree na happy siya sa patuloy na mataas na ratings ng TV series nilang Kadenang Ginto na pinagbibidahan nina Francine Diaz, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Andrea Brillantes, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …