Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo sa magulang ni Sarah — Hangad ko pong maging isang pamilya tayo; Mahal na mahal ko po si Sarah

UMANI agad ng maraming likes ang post ni Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram ukol sa pagmamahal niya kay Sarah Geronimo. Habang isinusulat namin ito’y may 51,792 agad na likes in just 32 minutes na pagkaka-post ng binata.

Ramdam na ramdam namin ang wagas na pagmamahal ni Matteo kay Sarah. Nasabi nga naming, napakasuwerte ni Sarah kay Matteo dahil iilan na lang yata ngayon ang katulad ng aktor.

Sa post ni Matteo kasama ang mga picture nila ni Sarah at pamilya ng binata, sinabi nito kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya kaya naman excited na siya sa uumpisahan nilang pamilya ng singer/aktres.

Aniya, ”Family is my number one priority. In this next chapter of my life, I’m extremely excited to start my own family with the love of my life, my fiancée Sarah G.”

Pinasalamatan din ni Matteo ang kanilang mga magulang na siyang nagturo sa kanya ng kahalahagan ng pamilya gayundin ang kanyang ama na naging sandigan niya, example at mentor.

Aniya, masuwerte siya at tinanggap ng kanyang pamilya si Sarah bilang anak din.

“I deeply thank my parents for teaching me the values of a solid family. Life will never be perfect but what matters is that we learn, grow and improve until it is our time to take over. My father has been my best example; he is my mentor, my solid rock. Papa and mama’s values, passion and selfless attitude has taught my siblings and me a lot and has molded us to become what we are today. One day, I pray, I will do the same for my own family. I’m very blessed and honored that my parents welcomed Sarah to our humble family like another daughter. My sister and little brother loves her the same way. Knowing she is loved and accepted in the family simply fills up my heart with joy.” 

Sinabi pa ni Matteo na katulad din ng iba ang kanilang relasyon ni Sarah. Mayroon mga pagsubok na dumarating pero sa huli’y naayos din. Pinuri rin niya kung gaano katatag si Sarah kaya naman proud na proud siya rito.

“People might be thinking that our relationship has been smooth sailing. But let me tell you, it hasn’t been easy. Sarah has been tough. I saw her grow, mature, and develop into an independent beautiful woman that I am extremely proud of! My love, thank you.

Pangarap ni Matteo na isang araw ay magkasama-sama ang pamilya niya at pamilya ni Sarah sa isang hapag-kainan. Haay, ang sarap magmahal ni Matteo ha.

“I dream that one day both our families will sit around a dinner table and simply celebrate life. Love, happiness, joy and LIFE must always be celebrated.” 

Sa kabilang banda, may pangako si Matteo sa mga magulang ni Sarah, na irerepesto at mamahalin niya ng buong puso ang kanilang anak. Ipinagako rin nitong bibigyan ng masayang buhay si Sarah. ”Tito Delfin and Tita Divine, if there have been hard feelings or events that were not supposed to happen in the past, I humbly apologize. I assure you that I will give Sarah a happy life with the best of my capabilities. With pure, honest love and respect. We wish to move forward with our life plans and begin this brand new chapter of our life.”

Idinagdag pa ni Matteo na, “Mahal na mahal ko po si Sarah. Mahal ko din po kayung magulang nya at mga kapatid nya.”

May wish lang si Matteo, “Hangad ko po na maging isang pamilya tayo. Pangako ko po na aalagan ko si Sarah na kapareho ng pangangalaga nyo sa kanya.”

For sure lahat ng makababasa nito’y sasabihing napakasuwerte ni Sarah na siya namang totoo. Talagang ipinagsisigawan ni Matteo kung gaano niya kamahal at kung gaano niya ninirespeto ang babaeng pakakasalan ay napakalaking bagay.

Hangad namin ang masaya at habambuhay na pagsasama sa inyo Matteo at Sarah.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …