Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyosa Pockoh, sinabing hindi lang pang-LGBT ang Two Love You

SINABI ng komedyanteng si Dyosa Pockoh na bagong blessing sa kanya na makagawa ulit ng pelikula after four years. Isa si Dyosa sa tampok sa pelikulang Two Love You ni Direk Benedict Mique, na showing na ngayon.

Wika ng Batangueñong tinaguriang Viral Queen dahil sa kanyang viral posts sa social media, “Sobrang blessed ko po dahil after ng Wangfam ni Direk Wenn Deramas ay nagkaroon ako uli ng movie na mamahalin ng mga tao. Plus, may serye ako na kasali sa One of the Baes.”

Wika pa ni Dyosa, “Masaya ako na may trabaho ako, ‘di man ako bida rito sa serye at pelikula ay masaya ako dahil kahit paano may work ako at nag-e-exist pa rin ako sa showbiz. Kaya sana po ay magtuloy-tuloy pa rin ang mga work ko.”

Sinabi ni Dyosa ang role niya sa pelikula. “Isa ako sa mga alagang parlorista ni Lassy o Reggie. Isa akong kaibigan niya rito, ako ay isang baklang maharot at beaconera sa movie.”

Paano niya ide-describe ang movie nilang Two Love You? “Ito po ay isang feel good movie. Matatawa ka at maiiyak at the same time, napapanahon po talaga ito.”

Idinagdag pa niyang ang pelikulang prodyus ng manager niyang si Ogie Diaz ay kargado sa katatawanan, may mapupulot na aral, at may love story din.  ”Oo naman, di mawawala ang comedy at love triangle ng bakla, babae sa lalaki… kaya kaabang-abang ito dahil sa kakaibang twist ng istor­ya na hindi pangkarinawan talaga,”

Nilinaw din ni Dyosa na hindi lang pang-LGBT ang kanilang pelikula. “Hindi lang pang-LGBT ito, pangpamilya ito, para sa magkakaibigan, para sa mga taong nag­mamahalan…”

Ano ang masasabi niya sa mga bida ritong sina Yen Santos, Kid Yambao, at Lassy Marquez? “Si Yen napakabait, napakaganda at professional. Si Kid naman, napaka-pogi sa screen, magaling siya bilang introducing dito, at sina MC at Lassy, napakagaling nila. Pang-acting award ang ginawa nila rito, pang Best Actor at Best Supporting Actor,” sambit ni Dyosa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …