Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lassy at MC Calaquian, magaling mag-drama

HINDI lang si Ogie Diaz ang humanga sa galing umarte nina Lassy at MC Calaquian sa pelikulang Two Love You na idinirehe ni Benedict Mique at iponrodyus ng Ogie D Productions, Lone Wolf Productions at ini-release ng Viva Films.

Maging kami’y napahanga ng dalawa. Hindi lang pala sila mahusay sa pagpapatawa, maging sa pagda-drama carry nila.

Bagamat hindi naman puro iyakan ang Two Love You, naaliw pa rin kami sa pagpapatawa ng pelikula. Nakaka-convince sina Lassy at MC sa ginawa nilang pagda-drama. Kasi naman may kurot sa puso ang kuwento bukod sa may moral lesson ang pelikula.

Tiyak na marami ang makare-relate sa Two Love You lalo’t may mga relasyon na rin namang ganoon ang nangyari, bakla sa babae, bakla sa lalaki etc.

Magkaibigan sina Yen Santos at Lassy na mayroong parlor na laging tinatambayan ni Yen. Madalas mabigo si Lassy sa pag-ibig at madalas ding tumulong sa mga nakakarelasyon. Siyempre pa ang bestfriend niyang si MC ang tagapigil kapag OA na sa pagtulong si Lassy. Nagkataong na-inlove agad si Lassy kay Kid Yambao sa unang pagkikita pa lamang nila. As usual, tinulungan ito ni Lassy, pinag-aral hanggang sa nagkaroon ng trabaho. Hindi naman sinasadyang nagkagustuhan din sina Yen at Kid. At siyempre nagkaroon ng problema ang pagkakaibigan nina Lassy at Yen.

Umalis si Kid at naiwan sina Yen at Lassy na bagamat may hindi pagkakaunawaan ay nagkapatawaran din paglaon. Nangailangan ng tulong si Yen at si Lassy pa rin ang tumugon athindi inakalang mauuwi na pala sa pagmamahal ang ginagawang pagtulong.

Maayos na nailahad ang istorya ng magka­kaibigang nagkatalo sa pag-ibig. Kung gusto ninyong maaliw at the same time ay maiyak, watch ninyo ang pelikulang Two Love You na palabas na rin ngayon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …