Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Inday, animo’y pingpong kina Greta, Claudine, at Marjorie

WALANG iniwan sa pingpong ball si Mrs. Estrella Barretto o higit na kilala bilang Mommy Inday na pinagpapasa-pasahan ng kanyang mga nag-aaway-away na Baretto daughters.

On one side ay magkaka­sangga sina Gretchen at  Claudine, habang nasa kabila naman si Marjorie. Each of the teams, ‘ika nga, is taking turns sa pag-aasikaso sa kanilang ina, na ewan kung kasama na rin ang paglalason sa isip nito.

In fairness, ipinakikita lang ng mga Baretto daughters ang kanilang pagkalinga sa nabiyuda nang ina, na mas pinaglalaanan nila ng panahon more than when the patriarch was still alive.

Ang problema nga lang, nalalaman ng publiko ang dapat sana’y sinasarili na lang ni Mommy Inday with Gretchen and Claudine at ng sa kanila ni Marjorie.

Tanong tuloy ng pubiliko: kanino ba talaga kampi ang ina?

Hindi tuloy maiwasang magbigay ng payo ang talent manager na si Lolit Solis na kung tutuusi’y 10 taong mas bata kaysa kay Mommy Inday.

Otsenta’y tres, kung hindi nagkakamali, ang edad ngayon ng Barretto matriarch. Pero kung sino pa ang 10 years younger (si Lolit who’s 73) ay siya pang nagtuturo sa mas matanda kung ano ang dapat gawin nito para humupa na rin ang tensiyon sa kanyang mga anak.

Ewan nga lang kung katanggap-tanggap ang unsolicited advice ni Lolit na tumigil na si Mommy Inday sa kasasalita, knowing the latter na iba rin ang tabas ng bibig kapag nagagalit.

But knowing Lolit, wapakels lang siya sa maaaring i-emote nito. Mas mahalaga kasi sa kanya ang appreciation mula kay Atong Ang sa kanyang advice na huwag nang magsalita pa.

Bagay na ginawa naman ng negosyanteng iniuugnay kay Gretchen.

Why? Hindi ba obyus na may mahihita si Lolit kay Atong (sounds like datung)?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …